❂ CHAPTER 59 ❂

8 3 0
                                    

[Jace's POV]

"Oh, it's already eleven in the morning. I need to leave."

Napatingin ako sa kanya habang pinipilit ko pang ibuka ng maayos ang mga mata ko dahil sa kalasingan ko. Nginisihan ko lang siya saka ko ibinagsak ang ulo ko sa lamesa.

"Go ahead."

Sagot ko kaya tumango naman siya at umalis na nga siya. Napatingin ako sa kanyang naglalakad palayo at hindi ko sinasadyang mabitawan ang bote ng alak na hawak hawak ko kaya nabasag ito sa sahig.

Hindi ko nalang rin ito pinansin at kumuha na naman ako ng isang bote ng alak at ito naman ang nilaklak ko. Wala akong pake na lasing na lasing na ako, ang mahalaga ay makalimot muna ako saglit sa lahat ng pinagdadaanan ko.

Habang umiinom ako ay naisip ko si Addison kaya napatulala ako. Naibaba ko ang hawak hawak kong bote at tumulo ang mga luha ko saka ko tiningnan ang paligid. Inilibot ko sa paligid ng bar nato ang paningin ko habang nagbabakasakaling makikita ko siya, pero wala.

Napaiyak ako at uminom nalang ulit ako. Siya nalang nga ang nag iisang taong mahalaga at nagpapahalaga sa akin, niloko pa ako.

Kinusot ko ang mata ko at iinom na ulit sana ako pero napansin kong wala na palang laman ang bote na hawak hawak ko. Binitawan ko ito at kukuha na sana ulit ako ng bago pero napatigil ako nang napansin kong naubos ko na pala ang isang case.

Paniguradong sunog na sunog na ngayon ang atay ko. Mabuti narin yun, siguro naman kung mas lalo pa itong masusunog mamamatay na ako. Napangiti ako nang naisip ko yun at tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

Habang nakatayo ako ay nararamdaman kong para akong natutumba pero pilit ko paring pinatayo ang sarili ko. Tumingin ulit ako sa paligid at nakakita ako ng babaeng nakafur jacket kaya napangiti ako. Nandito siya. Pinuntahan niya ako.

"Addison..."

Napangiti ulit ako saka ko siya nilapitan. Mula sa likod ay niyakap ko siya pero agad niya akong binitawan kaya nawala ang ngiti ko. Humarap siya sa akin at nang napansin kong hindi pala siya si Addison ay napaatras ako.

"Who are you?!"

Naiiritang tanong nito kaya naisipan kong umalis nalang. Hahakbang na sana ako palayo pero nagulat ako nang biglang may sumuntok sa akin kaya tumilapon ako sa sahig.

"Don't touch my girlfriend like that! Kilala mo ba ako ha?!"

Napatingin ako sa kung sino man ito at nakakita ako ng lalake na para bang galit na galit. Nginisihan ko lang siya habang pinipilit ko parin ang mga mata kong wag pumikit.

"Yeah, I know you. You're a pathetic jerk!"

Sigaw ko kaya mas lalo pang sumama ang loob niya. Hinila niya ako gamit ang kwelyo ng leather jacket ko saka niya ako dinala palabas ng bar. Napatingin ako sa paligid at napansin kong may kasama pala siyang dalawang lalake pero hindi ko na yun pinansin.

Nang nakalabas na kami ay agad nila akong pinagbubugbog at pinagsusuntok pero hinayaan ko nalang silang gawin yun dahil wala na akong lakas para labanan sila. Hindi ako nanlaban habang nakapikit parin ako dahil sa kalasingan ko.

"Why are you flirting with my girlfriend? May balak ka bang agawin siya sa akin? Ha?!"

Galit na galit na tanong nito pero hindi ako sumagot at nginisihan ko lang siya. Dahil sa ginawa ko ay binugbog na naman nila ako ng binugbog hangggang sa nandilim na ang paningin ko.

Inihagis nila ako sa semento kaya napasigaw ako dahil sa sakit nang naramdaman kong may tumama na matigas sa bagay sa likod ko. Napapikit ako at napatingin ako sa araw na sumisinag sa mukha ko.

Tumulo ang mga luha ko bago ako bumigay sa panghihina at pagod na nararamdaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon