❂ CHAPTER 94 ❂

8 1 0
                                    

[Jace's POV]

It's been three years.

Three years since I graduated in college and I finally became a lawyer.

I thought that this dream is impossible. But here I am now, living in a life that I only dreamt of having before.

Napangiti ako nang naisip ko yun. Marami na akong natulungan na mga tao, at sobrang saya ko dahil doon. Tinulungan ko ang taong nakasama ko sa loob ng selda kaya malaya na siya ngayon kasama ng pamilya niya.

Napatingin ako sa mga papeles at dokumento na nasa harapan ng kinauupuan ko. Inabot ko ang isang folder na nakapatong sa lamesa at binuksan ko ito.

"Oh, it's the profile of my new legal assistant."

Nasabi ko yun bigla at tumango tango ako. Nagresign kasi ang dating legal assistant ko kaya kailangan ko ng bago. I need someone to help me.

Kagaya ngayon, sobrang kalat ng opisina ko dahil wala manlang pwedeng umayos nito. Masyado rin kasi akong busy kaya hindi na ako nakakapaglaan ng oras para maglinis.

Napatingin ulit ako sa folder na hawak ko at dahan dahan ko itong binuksan. Nakangiti lang ako habang binubuksan ko ito pero nawala rin yun kaagad nang nabasa ko na ang pangalan ng bagong assistant ko.

"Addison Sapphire Guevarra"

What the f——

What kind of sorcery is this?

Tiningnan ko ang ID picture na nakadikit sa form na ito para makasigurado ako tungkol sa nabasa ko. Nang nakumpirma kong siya nga ito ay isinara ko kaagad ang folder at napahinga ako ng malalim.

Don't say that she will come back in my life again? After she left me alone in the past?

Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair na inuupuan ko. Ipinatong ko ang mga paa at binti ko sa lamesa at huminga ulit ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Wala akong dahilan para kabahan. Whatever happened in the past will remain in the last. Walang nagbabalik, wala ring mauulit.

Huminga ako ng maluwag at pumikit ako. Ilang saglit ay narinig kong may kumatok na sa pintuan ng opisina ko kaya ibinuka ko ulit ang mga mata ko. Nakaramdam ulit ako ng kaba pero pilit kong pinakalma ang sarili ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumalikod. Humarap ako sa bintana na nasa likod ng upuan ko para maiwas ko sa paningin ko ang taong papasok pa lang sa opisina ko.

"Come in."

Sagot ko at nilakasan ko iyon para marinig yun ng taong kumakatok sa pintuan. Hindi nagtagal ay narinig kong pumihit na ang doorknob at binuksan na ang pintuan ng taong pumasok rito pero hindi parin ako humaharap.

Hindi ako sigurado kung sino ang pumasok dito sa opisina ko kaya napag isipan kong hindi muna ako haharap. Ayokong sa pagharap ko ay pabigla bigla ko nalang makikita si Addison, kung siya nga ang pumasok dito.

"Good day, sir. I'm Addison Sapphire Guevarra, and I'm a new employee that is tasked to be your legal assistant."

My heart raced as I heard that voice. Confirmed, she's Addison. The woman that I loved the most but also the woman who broke me into million pieces.

Napayuko ako pero hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob para harapin siya. Hindi ko pa siya kayang makita.

No matter how much I try myself to be strong and be tough, she always makes me weak. She's like a poison in disguise, she killed me inside silently.

Napatingin ako sa labas ng bintana at huminga ako ng malalim. Sinubukan kong magsalita pero walang salita na lumalabas sa bibig ko. Siguro ay dahil sa kaba na kanina ko pa nararamdaman.

"Is everything alright, Mr.........."

...

"Mr. Javier?"

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon