❂ CHAPTER 27 ❂

21 3 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong naglalakad patungo sa bahay namin. Tapos na kasi ang klase kaya pwede na kaming umuwi. Sa wakas.

"Found you!"

Kumunot ang noo ko nang narinig kong may sumigaw sa malayo. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Jace na tumatakbo pa habang sumisigaw.

Napairap ako pero hinayaan ko nalang din siya saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang wala talaga siyang balak na tigilan ako. Kung ganun edi bahala siya sa buhay niya.

"Hey! Parang hindi mo naman ako nakikita! Wait for me!"

Napairap ulit ako pero hindi parin ako humihinto sa paglalakad. Mamatay siya sa kakatakbo diyan. Ilang saglit ay naramdaman kong may humawak sa balikat ko at alam kong si Jace to. Napairap na naman ako at agad kong inalis ang kamay niya mula sa balikat ko.

"Kung makaarte ka naman parang ang ganda ganda mo."

Tiningnan ko siya saglit at inirapan ko siya ng palihim. Pagsisisihan talaga niya yang sinabi niya kapag makikita na niya ang mukha ko.

"By the way, pwede ba kitang ihatid sa bahay niyo? I just want to know where do you live and what kind of life do you ha——"

"No."

Tipid na sagot ko sa kanya kaya natahimik siya. Tumango nalang rin siya at hindi na siya nagsalita ng ilang segundo. Mabuti naman. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira.

"Okay. I understand."

Napalingon ako sa kanya at inirapan ko siya ulit. Bakit ba siya buntot ng buntot sa akin? Ano bang gusto niya?

"Why are you following me? Kung bubugbugin mo lang naman ako pwes gawin mo na ngayon."

Sabi ko at tumigil ako sa paglalakad kaya napahinto narin siya. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin kaya nagtaka ako.

"No, hindi kita bubugbugin. Kaya lang naman kita sinusundan kasi gusto ko lang. Bakit ba? Am I not allowed to do that?"

Napairap ako at hindi ko nalang ulit siya pinansin. Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad kaya ganun nalang rin ang ginawa niya.

"Actually, the reason why I'm following you right now is that I have a surprise for you."

What? Surprise? Anong kabulastugan na naman ba yan?

Napahinto ulit ako ganun narin siya. Nakita ko siyang nakangiti lang sa akin kaya agad ko siyang inalis sa paningin ko bago pa ako mabwiset.

"What surprise?"

Tanong ko at nginitian ulit niya ako saka niya hinawakan ang braso ko at inakbayan ako kaya nagulat ako. Sinubukan kong alisin ang braso niya mula sa balikat ko pero hindi talaga siya bumibitiw kaya hindi ko yun magawa. Bwiset talaga tong lalakeng to!

Hindi siya sumagot sa tanong ko at pinabalik niya ako sa dinaanan namin kanina. Pumasok kami doon sa makitid na daan na hindi ko naman alam kaya kumunot ang noo ko. Ano bang klaseng surprise yung sinasabi niya at bakit kailangan ko pang pumunta dito?

Hindi nalang rin ako nagsalita at maya maya ay pumunta kami doon sa abandonadong covered court. Pumasok kami rito at nagulat ako nang nakita ko yung mga babaeng humarang sa akin sa CR kanina na nakagapos. So I guess this is the surprise.

"Ayan. Surprise!"

Sigaw pa niya na para bang tuwang tuwa. Napangiti ako ng palihim at napatingin ako sa mga bato na nakahanda na sa harapan ng mga nakagapos na mga babae. Napangisi ako habang nakatingin sa mga yun. Mabuti naman at mukhang makakaganti na ako ngayon.

"There's a pile of stones there. Meron ring baseball bat diyan if you want to use it."

Hindi ko pinakinggan si Jace habang nakatitig parin ako sa mga yun. Napatingin naman ako sa mga pesteng babaeng nakatali sa harapan ko at palihim ko silang nginisihan.

"I'm gonna leave now. You already know what to do."

Sabi niya habang nakangisi pa saka siya umalis. Hinintay ko muna siyang makalayo bago ko kinuha ang baseball bat na nakahanda na sa tabi ng mga bato. Napatingin ulit sa mga babaeng yun na umiiyak na at nginisihan ko sila.

"This will be exciting, bitches."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon