❂ CHAPTER 90 ❂

5 1 0
                                    

[Jace's POV]

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at inayos ko ang buhok ko. Hinanap ko kaagad ang sinulat ko noong nakaraang linggo at nang nahanap ko na ito ay napahinga ako ng maluwag. Natapos ko nang sulatin to, sa wakas.

Humikab ako at inilagay ko ang sulat ko sa bulsa ng jumpsuit ko. Umupo ako mula sa kinahihigaan ko at tumingin ako sa labas.

Maya maya ay napansin ko na paparating si bossing at ang iba pang mga kasamahan niya kaya nagtaka ako. Tiningnan ko sila ng maigi at napansin kong nakangiti pa sila kaya mas lalo pa akong nagtaka. Anong meron?

Nang nakalapit na sila sa tapat ng selda namin ay huminto sila sa paglalakad. Napansin kong sa akin sila nakatingin kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Ako ba ang kailangan nila? Kung ganun, bakit?

Tahimik na tahimik lang kami at maya maya ay binuksan ng isa sa mga pulis ang pintuan ng selda nato kaya nagtaka ulit ako. Bakit niya yan binubuksan?

"Jace Ralph Javier, laya ka na."

Para akong naestatwa dahil sa narinig ko. Dahan dahan akong humarap kay bossing na nakangiti parin at kumunot ang noo ko. Anong——

"Ano ulit yun, bossing?"

Parang naiiyak na tanong ko kaya natawa siya at pumasok siya ng selda. Hinawakan niya ang balikat ko kaya mas lalo pa akong naiyak.

Nangyayari ba talaga to? Totoo ba to?

"Ang sabi ko, laya ka na. Makakalabas ka na dito."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig ko at hindi ko sinasadyang mayakap siya. Niyakap rin naman niya ako pabalik at tinapik tapik pa niya ang likod ko.

Dito sa selda, siya ang naging ama ko. Pinangaralan niya ako at pinapalakas niya palagi ang loob ko. Siya ang naging motibasyon ko para magbago.

Binitawan na niya ako habang hindi parin ako tumitigil sa pag iyak. Natawa silang lahat dahil sa akin kaya napangiti ako.

Napalingon ako sa naging kaibigan ko dito sa loob ng siyam na taon at nginitian ko siya bago ako lumabas ng selda.

"Pare, makakalabas na ako. Matutulungan na kita! Magiging abogado na ako at ang una kong gagawin ay ang ayusin ang kaso mo para makakalaya ka narin dito!"

Napangiti siya dahil sa sinabi ko at napansin kong tuwang tuwa rin siya. Bago ko siya tinalikuran ay napansin kong naiiyak pa siya kaya natawa ako. Tuluyan na akong lumabas ng selda habang hindi ko parin naitatago ang saya ko.

Malaya na ako.

Nagbihis ako at pinalabas na nila ako ng presinto. Aapak na sana ako palabas pero napatigil ako nang nakita ko na ulit ang mundo sa labas. Ilang taon na akong hindi nakakalabas, kaya ibang iba na ito mula noong tumakas ako.

"Iho, diba mag aaral ka sa kolehiyo para maging abogado?"

Naputol ang pag iisip ko at lumingon ako sa likod. Nakita ko si bossing na nakangiti kaya nginitian ko narin siya.

"Oo. Yun po ang unang gagawin ko."

Sagot ko at lumapit siya sa akin habang nakangiti parin.

"Eh, may pang matrikula ka ba iho?"

Tanong niya kaya nawala ang ngiti ko. Oo nga pala, wala akong kahit na singko. Malulungkot na sana ako pero maya maya ay may naisip akong paraan kaya nabuhayan ako at ngumiti ulit ako.

"Wala po, pero maghahanap ako ng paraan. Magtatrabaho ako para makapag aral ako."

Sagot ko kaya napangiti siya. Maya maya ay napansin kong may kinukuha siya mula sa bulsa niya kaya napatingin ako doon. Nang nakita kong mga pera pala ito ay nagulat ako.

Inabot niya ito sa akin kaya mas lalo pa akong nagulat. Anong——

"Bossing, para saan po yan?"

"Gamitin mong pang matrikula mo."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nginitian niya ako. Hindi na niya kailangang gawin to, ayos lang naman sa aking pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral.

"Pero po——"

"Sige na iho, tanggapin mo na. Sitenta anyos na ako kaya makakatanggap na ako ng pensyon buwan buwan. May mga anak rin naman ako na gagastos sa akin. Kailangan mo yan. May tiwala ako sayo iho, parang anak narin kita eh. Kaya alam kong mabuti ang paggagamitan mo ng perang yan."

Tumulo na naman ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Totoo ba to? O masayang panaghinip lang to?

Napaiyak ulit ako at kinuha ko na nga yun saka ko siya niyakap. Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng kasamaang nagawa ko, hindi ako makapaniwalang may tao parin palang nagtitiwala sa akin.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon