❂ CHAPTER 99 ❂

11 1 0
                                    

[Addison's POV]

Pinipigilan ko ang mga luha ko habang naglalakad palapit kay Jace na umiiyak. Napatingin ako sa mga puting bulaklak na dala dala ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko dahil sa saya.

Hindi ko inaakalang mangyayari pala talaga to. Hindi ko inaakalang ikakasal pala kami, kahit na simple lang.

Hindi engrande ang kasal namin ni Jace. Wala naman kasing halaga kapag gagawin naming engrande ang kasal, wala rin namang dadalaw dahil pareho kaming wala nang pamilya. Civil wedding ang pinili naming pamamaraan ng pagkasal sa amin.

Pero kahit na hindi masyadong maluho at magarbo ang kasal namin, masaya parin kami. Wala namang pinagkaiba eh, sa isa't isa parin kami makakasal. At yun ang pinakamahalaga para sa amin.

Napangiti ako nang naisip ko yun. Inangat ko ulit ang paningin ko at nakita ko si Jace na pinapahiran pa ang mga luha niya kaya natawa ako.

Napatingin ako sa mga kasamahan namin sa trabaho at nakita ko sila na naiiyak narin. Natawa ulit ako dahil sa reaksyon nila at ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Jace.

Nang nasa harapan ko na siya ay tumigil na ako sa paglalakad. Nginitian ko siya ulit at ganun narin ang ginawa niya. Napatitig siya sa akin saka niya tinabunan ang mukha niya at doon siya umiyak ng umiyak.

"Jace..."

Tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya na nakatabon sa mukha niya. Inalis ko ito mula sa mukha niya at natawa ako nang nakita ko siyang umiiyak na talaga.

Nang napansin niyang tinatawanan ko na pala siya ay tiningnan niya ako ng masama kaya mas lalo pa akong natawa.

"Wag mo nga akong tatawa tawanan. Ngayon lang ako naging masaya ng sobra sobra sa buong buhay ko tapos pagkakatuwaan mo pa ako?"

Parang naasar na sabi niya kaya tumango nalang rin ako at binitawan ko na ang kamay niya. Tinigilan ko na ang kakatawa ko at tinigilan na rin niya ang kakaiyak niya. Humarap na kami sa pari at nginitian namin ito.

May sinabi siyang mga panalangin at mga seremonyas sa amin pero hindi ako makapag focus doon dahil kanina pa ako naiilang kay Jace. Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin kaya panay lingon rin ako sa kanya.

Maya maya ay naramdaman kong kinablit niya ang daliri ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangisi kaya natawa ako. Tong lalakeng to.

"Addison Sapphire Guevarra, do you take Jace Ralph Javier as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

Tanong ng pari at walang pag aalinlangan akong tumango. Napalingon ako kay Jace at nginitian ko siya saka ako sumagot.

"I do, father."

Sagot ko kaya napangiti si Jace na parang loko. Natawa ako dahil sa reaksyon niya pero pinabayaan ko nalang rin siya.

"Jace Ralph Javier, do you take Addison Sapphire Guevarra as your lawful wi——"

"I do, father. No need to ask."

What the——

"Let me finish first. Jace Ralph Javier, do you take Addison Sapphire Guevarra as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

Agad siyang tumango na para bang loko kaya napairap ako. Hindi parin talaga nagbabago yang mga kalokohan niya kahit na abogado na siya.

"So I may now pronounce you husband and wife. You may now——"

Tahimik lang akong nakatayo pero nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Jace at diretso niya akong hinalikan. Kahit na bigla bigla ang ginawa niya ay pumikit nalang rin ako at niyakap ko siya.

Tong lalakeng to, hindi makapaghintay.

"—— kiss the bride."

Binitawan na ako ni Jace at niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako dahil sa ginawa niya at napatingin kami sa mga katrabaho namin na nagsisigawan pa. Mga baliw talaga yang mga yan.

"Where should we go after this?"

Tanong ko sa kanya pero nginisihan lang niya ako. This guy.

"To the gates of heave——"

"I want a decent answer. Seriously."

Pagtataray ko pa kaya natawa siya. Tumango nalang rin siya at tinigilan na niya ang kalokohan niya.

"Okay. Let's go to our venue."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon