❂ CHAPTER 24 ❂

20 2 0
                                    

[Addison's POV]

Tahimik lang akong naglalakad pabalik sa campus. Mabuti nalang at hindi ako binugbog ni Jace kanina sa harapan ng café. Natakot siguro siyang gawin yun kasi alam niyang mag isa lang siya dahil wala ang mga minions niya.

Natawa ako nang naisip ko yun at napailing iling. Ang hina niya talaga. Wala talaga siyang kaalam alam na iisang tao lang kami ni Sapphire na siyang dapat sana ay pinagtataguan niya.

Maya maya ay nakabalik na ako sa campus kaya naputol ang pag iisip ko. Papasok na sana ako ng gate pero napatigil ako nang nakita ko yung lalaking tumulong sa akin days ago na para bang may hinihintay. Si Carl.

Napatingin siya sa akin at napangiti siya kaya nagtaka ako. Tumingin ako sa paligid ko kung may ibang tao bang nginingitian niya pero ako lang naman mag isa ang nandito kaya kununot ang noo ko. Ako ba ang inaabangan niya?

"Addison! Kanina pa kita hinihintay. Tara, pasok ka tayo?"

Pang aaya niya at lumapit siya sa akin. Inakbayan pa niya ako kaya nagulat ako at napatingin ako sa kanya na nakangiti parin.

"Inaabangan mo ba ako?"

Pagtatakang tanong ko at tinanguan naman niya ako. Napatingin siya sa loob ng gate saka siya tumingin ulit sa akin.

"Oo gusto kasi kitang makasabay sa pagpasok kasi late na ako. Nakakahiya kasi yung ako lang ang mag isang maglalakad sa hallway at magiging center of attraction sa lahat ng mga students. First time kong nalate ngayon."

Natawa ako dahil sa sinabi niya at tumango nalang rin ako. Kaya naman pala ako hinintay.

Inalis na niya ang braso niya sa balikat ko habang nakangiti parin. Napansin ko na parang ang saya saya talaga niya habang nakatingin sa akin kaya napangiti narin ako.

Sabay kaming pumasok sa campus at naglakad sa hallway. Tahimik lang kaming naglalakad at maya maya ay napalingon si Carl sa likod ng dinadaanan namin. Nagtaka ako kung bakit siya napalingon doon pero pinabayaan ko nalang rin siya.

"Una na ako Addison ah. Hehehe."

Sabi niya na para bang kinakabahan at dali dali siyang tumakbo palayo. Kumunot ang noo ko kung bakit siya ganun pero hinayaan ko nalang siya.

Maya maya ay naramdaman kong may umakbay sa akin mula sa likod kaya nagulat ako. Ano yun? Sino yun?

"I'm sorry for being harsh earlier."

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Jace na nakangiti sa akin kaya agad kong inalis ang braso niya sa balikat ko. Napahinto ako sa paglalakad at agad ko siyang nilayuan sabay tinabunan ko ng maayos ang mukha ko.

"Sabi ko wala akong dalawang milyon. Hindi kita mabibigyan ng ganon kalaking pera kaya tigilan mo na ako."

Sabi ko habang kalmadong kalmado parin. Natawa siya dahil sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Anong tinatawa niya?

"Hindi kita pipiliting bigyan ako ng dalawang milyon. I'm here to apologize for being rude to you. I'm sorry."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanyang parang nagmamakaawa pa. Ano na naman bang binabalak niya at bakit nagbabait baitan na naman siya?

Nagtaka ako kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin pero hinayaan ko nalang rin siya at hindi nalang ako nagsalita ng kung ano. Aalis na sana ako para makalayo sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. Ano ba talagang gusto niya?

"Hey. Gusto ko lang namang makipag ayos sayo. Why are you so afraid of me?"

Napatingin ulit ako sa kanya at napairap ako. This damn guy. I'm not afraid. I'm annoyed.

Hinayaan ko nalang rin siya at hindi nalang ako umimik. Napangiti siya nang napansin niyang hindi ko na siya lalayuan pero napairap na naman ako.

"By the way, I'm also here to ask what's your name. You know, ilang beses na kitang binugbog at pinagtripan pero hindi parin kita kilala. Promise, if you will tell me titigilan na kita."

Tsk.

Napalingon ulit ako sa kanya at lumayo ako sa kanya. Napairap ulit ako pero tumango nalang rin ako para tigilan na talaga niya ako.

"Addison. That's my name. Now leave me alone."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon