❂ CHAPTER 97 ❂

8 1 0
                                    

[Addison's POV]

Dahil sa sinabi niya ay naramdaman kong may kung anong tumusok sa dibdib ko. Para akong nanghina habang nakatingin parin ako sa kanya na blangko lang ang mukha habang nakatitig sa akin.

"You hate me? Why?"

Tanong ko habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Iniwasan ulit niya ako ng tingin at tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ulit ang braso niya para paharapin siya sa akin.

"Tell me! Bakit parang galit na galit ka sa akin simula noong nagkita tayo ilang taon na ang nagdaan? May nagawa ba akong mal——"

"Oo. May nagawa kang mali. Maling mali."

What is he——

"Anong ginawa ko?"

Naiiyak na tanong ko. May nagawa ba ako? Ano? Wala akong matandaang kamalian na nagawa ko sa kanya.

"You left me alone in the times that I need you the most!"

Sigaw niya at rinig na rinig ko sa boses niya na umiiyak narin siya. Napatulala ako dahil sa sinabi niya at inangat ko ang paningin ko. What is he talking about? Kahit na isang beses ay hindi ko siya iniwanan!

"I didn't——"

"Remember about what you did thirteen years ago. Binisita mo ako sa kulungan pero hindi mo ako kinausap o kahit na kinamusta man lang. Nagpakita ka lang ng ilang segundo pero umalis ka rin kaagad at hindi ka na kailan pa man bumalik!"

Sigaw niya kaya kumunot ang noo ko. So this was all about. Akala niya iniwan ko siya. But in fact, I didn't.

"I didn't left you alone. Not even once."

Sagot ko kaya tinawanan niya ako na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"No! You left me! Don't deny it!"

"Nakulong ako ng sampung taon kaya hindi kita nabisita!"

Sigaw ko kaya napatigil siya. Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. Siguro naman, maiintindihan na niya ako.

"What?"

Tanong niya na halatang hindi makapaniwala. Humakbang ako ng isang hakbang palapit sa kanya para makapag usap kami ng masinsinan.

"Hindi kita iniwanan, Jace. Noong nakita mo ako ilang taon na ang nagdaan ay bagong labas lang ako sa kulungan noon. Kaya kita hindi nabibisita dahil hindi ako makahanap ng pagkakataon. Kaya rin kita hindi kinausap noong binisita kita sa kulungan ay dahil nandun si daddy at pinagbabantaan niya ang buhay mo. Pagkatapos nun ay pinatay si daddy ng isa sa mga pulis at ikinulong nila ako. That's the reason Jace. I didn't left you."

Mahinahong sagot ko kaya napatulala siya. Napatitig siya sa akin habang gulat na gulat parin.

"Is that true? So all along, nagagalit ako sayo.... para lang sa wala?"

Tanong niya kaya inangat ko ang paningin ko sa kanya. Bahagya ko siyang tinanguan at napansin kong tumulo ang mga luha niya. Hinila niya ako saka niya ako niyakap kaya napangiti ako.

At last, nakapag usap na kami. Sa wakas, hindi na siya galit sa akin.

"I'm sorry for all those years that I left you alone. I tried to escape to help you, but I can't."

Pagmamakaawa ko kaya binitawan na niya ako at ngumiti siya.

"Don't apologize. I'm the one who should apologize. Iniwan kita dati, hindi ko inalam ang totoong dahilan mo kaya mo nagawa yun. Nagpadala ako sa lungkot na nararamdaman ko noong nasa kulungan pa ako."

Napangiti ako at niyakap ko siya ulit. Ganun rin naman ang ginawa niya.

"Kaya pala napansin kong wala kang kahit na kaunting pera noong nakita kitang nakaupo sa bench na nasa park. Kakalabas mo lang pala sa kulungan. I'm sorry that I didn't realized that."

Hinawakan ko ang mga kamay niya para pakalmahin siya. Napangiti siya dahil sa ginawa ko at ganun narin ako.

"It's okay. That day, someone helped me. May nakita akong pera sa tabi ng inuupuan ko. And because of that money, I survived even if I'm all alone."

Sabi ko pero maya maya ay natawa siya. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya kaya kumunot ang noo ko. What is he laughing about? There's nothing funny about it.

"Umm. Addison, that someone who gave you money..... was me."

Wait, what?

Inangat ko ulit ang paningin ko sa kanya at napangiti ako. I taught that he hated me so much that time. I didn't expect na sa mga oras na yun, iniisip parin pala niya ako.

What a relief. I don't want to be hated by the person that I love the most.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon