❂ CHAPTER 19 ❂

20 1 0
                                    

[Addison's POV]

Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan nang nakita ko mula sa kwarto ko ang kotse ng Black Phyton na kararating lang. Gusto ko kasi silang salubungin.

Napatingin ako sa paligid ng lounge namin at napangiti ako nang nakita kong nilinisan na nga ito ni daddy. Wala na ang nakakadiring nagkalat na mga lamang loob at dugo at wala na rin ang nakakasulasok na amoy.

Maya maya ay nakita kong pumasok na ang Black Phyton kaya tuluyan na akong bumaba sa hagdan. Una kong napansin si Jace na naglalakad patungo sa akin habang may nakasunod naman sa kanyang dalawang tao na siyang may mga dalang malalaking bag. Sigurado akong pera ang laman nun.

"It's nice to see you again, Princess Sapphire."

Bati niya kahit na sobrang layo pa niya sa kinatatayuan ko. Tinanguan ko nalang rin siya saka ako napatingin sa mga bag na dala dala nila.

"How much money did you bring?"

Mahinahon kong tanong habang nakatingin parin doon. Napalingon siya sa mga bag na dala dala ng mga kasamahan niya at nginisihan niya ako.

"Two million."

Sagot niya kaya palihim akong natawa. Daddy is right. Wala silang kaalam alam sa rules namin.

"Okay. Good."

Nginitian ko sila para maisip nilang natutuwa ako. Napatingin ulit ako kay Jace na nakatitig lang sa mukha ko pero agad ko siyang inalis sa paningin ko.

Maya maya ay dumating na si daddy mula sa taas ng hagdan at agad niyang nginitian si Jace. Napangiti ako habang nakatingin kay daddy na pormadong pormado na at hindi talaga halatang kakaligpit lang ng mga patay.

"You're here na pala boys. Let's go to our guest room. Masyadong malawak ang lounge nato para sa atin."

Pang aaya ni daddy kaya tumango naman sila sabay ngiti. Hindi ko sila pinansin at sumunod nalang ako kay daddy na papunta na doon sa sinasabi niyang guest room.

Naglalakad lang kami nang tahimik at maya maya ay naramdaman ko na parang may dumampi sa braso ko kaya nagtaka ako. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Jace na nakangisi kaya napairap ako. That damn guy.

Hindi ko nalang rin siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami doon. Umupo kami ni Jace sa dalawang magkakaharap na upuan habang ang mga kasamahan naman niya ay nakatayo lang sa likod niya.

"Stay here boys. I will count your money first. Sapphire, bantayan mo sila."

Utos ni daddy sa akin kaya tinanguan ko naman siya. Lumapit siya sa mga kasamahan ni Jace saka niya hinablot mula sa kanila ang mga bag na dala dala nila.

Hinayaan ko lang na umalis si daddy at maya maya ay napatingin naman ako kay Jace na sinisindihan pa ang sigarilyo niya. Nabaling naman ang tingin ko sa mga kasamahan niya at natawa ako.

"You really can't go anywhere without your minions, huh?"

Pang aasar ko kaya nabaling ni Jace ang atensyon niya sa akin. Nginisihan lang niya ako saka niya ibinuga ang usok na mula sa sigarilyong nasa bibig niya.

"Nope. I can go anywhere even if I'm alone."

Sagot niya habang nakangisi kaya tumango tango nalang rin ako kahit na alam kong hindi totoo yun. Alam ko kasing kasama kasi niya talaga palagi ang mga kagrupo niya kahit kapag nasa school siya.

"Really? Eh bakit mo sila palaging kasama kahit na nasa eskwelahan ka? Are you really that weak kaya kailangan mong may kasama ka palagi?"

Nagulat siya sa tanong ko kaya napatigil siya. Wala talaga siyang kaalam alam na ako ang babaeng palagi nalang niyang pinagdidiskitahan.

"How did you know?"

Tanong niya kaya natawa na naman ako. He's so dumb.

"How did I know? I'm always watching you."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon