❂ CHAPTER 95 ❂

10 1 0
                                    

[Addison's POV]

Huminga ako ng malalim at pinalakas ko ang loob ko habang naglalakad patungo sa opisina ng magiging boss ko. Medyo kinakabahan ako ngayon kasi unang beses kong magtatrabaho bilang isang assistant.

Hinawakan ko ang form na hawak hawak ko pero hindi ko ito binuklat. Nandito ang mga papeles at mga impormasyon ng magiging boss ko pero hindi ako interesadong alamin yun. Ang mahalaga lang para sa akin ay ang makapagtrabaho ako para may sweldo na ako buwan buwan.

Nang nasa harapan na ako ng opisina na papasukin ko ay kinatok ko ito. Pumikit ako at huminga ako ng malalim saka ako ngumiti. Inayos ko rin saglit ng panghuling beses ang suot suot ko pati narin ang buhok ko na medyo nagulo.

Dapat akong magmukhang presentable para maganda ang magiging first impression ko sa magiging boss ko.

Napatagal ang pagtayo ko dito sa harapan ng pintuan kaya medyo nagtataka na ako. Naghintay ulit ako saglit pero parang wala namang tao sa loob dahil sobrang tahimik.

Magsasalita na sana ulit ako pero narinig kong tinawag na ako ng magiging boss ko mula sa loob kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at mukhang napansin na niya na may kumakatok pala.

"Come in."

Sabi nito kaya pumasok na ako sa opisina. Pagpasok ko ay tiningnan ko muna ng maigi ang paligid at napangiti ako. Mukhang disente naman dito, as I expected.

Maraming mga libro ang nakalagay sa mga book shelves at marami ring papeles ang nagkalat doon sa lamesa ng boss ko. Siguro sobrang busy talaga ng boss ko kaya hindi niya naayos yun.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang boss ko na nakatalikod lang. Sinubukan kong silipin ang mukha niya pero hindi ko yun pwedeng gawin. Baka kasi sobrang strikto siya kaya dapat ay galangin ko siya palagi.

Naghintay ulit ako ng silang saglit pero hindi parin naman ito humaharap at hindi rin ito nagsasalita ng kahit na ano kaya nagsimula na akong mag aalala.

"Are you alright, Mr...."

Napatingin ako sa pangalan niya na nakalagay sa lamesa niya at nagulat ako dahil sa nabasa ko. No, he can't be——

Binasa ko ulit yun para makasigurado ako kung tama nga ba ang nabasa ko.

(Jace Ralph Javier)

Napatulala ako pero pinilit ko parin ang sarili kong kumalma. Wag kang mag alala Addison, wala kang dapat na ipag alala. Hindi porket na nandito na siya ulit ay babalik ang lahat ng naging nakaraan niyo.

Pero sana nga, magbalik yun.

"Mr. Javier?"

Pagpapatuloy ko sa pagsasalita at napansin kong sinilip pa niya ako saglit. Nakatitig lang ako sa kanya habang dahan dahan siyang humaharap sa akin.

Nang tuluyan na siyang nakaharap sa akin ay napanganga ako. Ibang iba na siya ngayon. Ibang iba na siya sa dating Jace na nakilala ko noon.

"Please take a seat."

Pag aaya pa niya habang nakangiti pa na para bang hindi niya ako kakilala. Umupo siya sa swivel chair at napansin ko na iniiwasan narin niya ako ng tingin.

"I said sit down. We need to talk about your responsibilities here as my legal assistant."

Sabi niya kaya tumango nalang rin ako at sumunod. Umupo ako sa upuan habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Napatingin ako sa kanya na inaayos pa ang salamin niya at napatingin ako sa malaking peklat na nasa mukha niya. Nandyan parin pala ang peklat na yan hanggang ngayon.

"Let me see your form."

Patuloy niya at binuklat niya ang form na nasa lamesa na niya kanina pa.

"Oh... So you're Addison Sapphire Guevarra and you graduated in De la Salle University. Sounds good to me. It's nice meeting you."

Sabi niya at nginitian pa niya ako sabay abot ng kamay niya na para bang hindi talaga kami magkakilala. Nakaramdam ako ng kung anong sakit dahil ginawa niya. Hindi ko tinanggap ang kamay niya na nakaabot sa akin at umiwas ako ng tingin.

Bakit niya ako tinatrato na para bang ibang tao? Ganun na ba talaga siya kagalit sa akin? Hindi na ba talaga niya ako patatawarin?

Hindi ba niya alam na nasasaktan na ako?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon