❂ CHAPTER 73 ❂

10 1 0
                                    

[Addison's POV]

Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Napaatras ako ng ilang hakbang habang lumalapit sa akin si Harold.

"Why are you here in my room?"

Tanong ko habang pinipilit na kumalma. Hindi siya sumagot at tuluyan na siyang lumapit sa akin kaya nagulat ako.

"I'm asking you! Why the fuck are you here in my room?!"

Sigaw ko pero hindi parin siya sumasagot. Uumbungan ko na sana siya ng suntok pero nagulat ako nang bigla niya akong tinutukan ng kutsilyong hawak hawak niya kaya hindi ko yun nagawa. What is he——

"You killed my cousin, you bullshit!"

Pasinghal na sagot niya kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. His cousin? Sinong pinsan niya ang pinatay ko?

"Who the hell are you talking abou——"

"You killed Blake!"

Sigaw niya ulit kaya napanganga ako. Pinsan niya si Blake? Alam niyang pinatay ko si Blake at hindi lang siya basta basta nasagasaan? Paano——

"No I didn't! Nasagasaan siya sa highway kaya siya namatay! Don't blame me on it!"

Pagtanggi ko pa pero hindi siya nakinig at tinutukan niya ang leeg ko ng kutsilyong dala dala niya kaya napalunok ako.

"Shut up! Alam kong pinatay mo siya dito mismo sa bahay niyo saka niyo siya itinapon sa daan! I'm not stupid!"

Sigaw niya kaya lumaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa ginawa ko?

"That's not true! Nasagasaan siya ng ten wheeler truck kaya siya namatay!"

Sagot ko habang itinatanggi ang lahat ng mga totoong ipinaparatang niya. Hindi ako pwedeng umamin sa ginawa ko. Dahil kapag gagawin ko yun, hindi lang siya ang makakalaban ko. Pati narin ang buong pamilya niyang pamilya ng mga senador.

Napairap ako nang naisip ko yun. Tiningnan ko ulit siya ng masama saka ko naramdaman na tumutusok na ang talim ng kutsilyo niya sa leeg ko. Napatingin ako sa kutsilyong to bago ko tiningnan ulit ang mukha niyang puno ng galit.

Siguro ay hindi ko na mababago ang iniisip niya tungkol sa kamatayan ng pinsan niya kaya dapat ko na siyang dispatsahin bago pa ako kalabanin ng halos lahat na kawani ng gobyerno.

"Okay, I will admit. I'm the one who killed your dear cousin. Happy?"

Parang nang aasar na sagot ko kaya mas lalo pang uminit ang ulo niya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa kutsilyo at napansin kong nanginginig na ang mga kamay niya dahil sa galit.

"Your the one who killed my bro! You evil!"

Natawa ako dahil sa kanya na umiiyak na. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napailing iling ako. This bastard.

"I'm not an evil. I'm a whole damn demon."

Nakangising sagot ko kaya mas lalo pang uminit ang ulo niya. Sasaksakin na sana niya ako ng kutsilyong hawak hawak niya pero agad ko itong hinablot at diretsong itinusok sa dibdib niya kaya nagulat siya.

Napatingin ako sa dibdib niyang unti unting napupuno ng dugo mula sa sugat niya at napangiti ako. Hindi ko sinasadyang puso talaga niya ang napuntirya ko.

Napangisi ako dahil sa nagawa ko saka ako napatingin sa mukha niya at nginisihan ko siya. Buong lakas ko itong hinugot mula sa dibdib niya at pinanood ko lang siyang unti unting bumabagsak sa sahig habang duguan.

Umupo ako sa tapat ng mukha niya at tiningnan ko siya ng maigi. Sa tingin ko ay wala na siyang buhay dahil unti unti nang nagiging maputla ang balat niya. Napatingin ako sa mga mata niyang dilat na dilat saka ko siya nginitian.

"You're just like your cousin. Dumb and pathetic."

Natatawa ko pang sabi saka ko itinaas ang kamay ko at isinarado ko ang mga mata niyang pulang pula.

"Sleep well, dumb shit."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon