🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Rescue"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"PLEASE, wag po! Maawa na po kayo sa akin! Ibalik n'yo na po ako sa pamilya ko!" Sigaw ng tinig ng isang babaeng hindi alam ni Leland kung ano na ang nangyayari sa loob ng abandonado at sira-sirang apartment building na nasa isang liblib na barangay ng Talisay, Cebu. Puro audio lang at walang visual ang meron siya.
"Scott, may visual na kami sa loob." Narinig niyang sabi ng isa sa mga tauhan niya sa earpiece na nakasabit sa kaliwa niyang tenga. Mabilis niya itong binigyan ng atensyon.
"Copy that, Marquez." Mabilis niyang sagot ngunit mahina lang na halos pa bulong na. "Tolentino, what's the situation inside? Ilan sila?" Dugtong pa niyang tinawag naman ang isa sa sampung tauhan niya. Tatlong lalaki lang ang nakikita niya sa pwesto niya dahil huli na siyang dumating at nasa kabilang building pa siya. Inayos niya muna ang ransom na ipinabibigay ng pamilya para matubos ang biktimang nakidnap.
"Limang lalaki silang lahat, hindi pa bilang ang mga nakakalat na pangit. Anyway, nakatali ang kamay ng kidnap victim sa kisame at nakatayo ito. Dave sa tingin ko, tagilid ang biktima kay Cliff." Sagot ni Tolentino. "Teka, sandali lang..." Natigilan siya panandalian at naghintay ng isusunod na sasabihin nito.
"Waaaaaggg!" Narinig niyang sigaw ng biktima sa kanyang earpiece. Parang napakasakit na sigaw yun. Sa kauna-unahang pagkakataon kinalabutan siya.
Parang may hindi magandang nangyayari sa loob. Nakikita niyang tumatawa ang tatlong lalaki. Maaaring nakaharap sila sa biktima. Mga halang ang bituka ng mga hayop na ito.
"Putang-ina! Dave, its Gomez, pinunit ng hayop na Cliff ang damit nung babae. Masama ang kutob ko dito, Pards. Mukhang pagsasamantalahan nila ang biktima bago ito isoli sa pamilya." Sabi ni Gomez, isa sa mga kasama niya.
"Damn, she's better off dead then." Mahina at puno ng panghihinayang na sa sabi ni Tolentino sa earpiece.
"Men, don't let the devil touch her. We promised the family that we will bring their Princess back unscathe. Gawan n'yo ng paraan. Gomez, get a little closer. Yaari, get your sniping skills at work. Tolentino, make some noise to distract the son of a bitches but not too much. Lilipat ako sa building nila. Marquez, watch my back." Pagbibigay niya ng instruction sa mga ito.
"Unscathe? Eh nasampal na nga niya yung biktima kanina." Si Gomez uli, natatawa. "At this rate, kung isasama ang paraan ng pagkakatali niyan, malaman pa sa alamang, she will be suffering from rope burn and it is going to be ugly." Nagtagis ang bagang ni Leland sa narinig. Napapamura na lang siya sa isip.
"Damn fuckers! Make sure we take all measures to get her with just a slap on the face." Nanggigigil niyang sambit, natawa si Gomez. "Go!" Matiim at galit niyang utos. Hindi niya alam kung bakit, pero nanggigigil siyang talaga. I will cut your dick, motherfŭcker!
"Narinig n'yo si Dave. The rest of you make sure to cover him at ang iba naman sa inyo, make sure na ang mga mata ninyo ay nasa mga ungas na yan. Gomez, eyes on the girl. Is it clear?" Mabilis na utos ni Marquez. "It's showtime!" Dugtong pa nito nap arang announcer ng isang game show.
Nagkanya-kanya nang nagtungo ang mga ito sa kani-kanilang nasabing pwesto. May iba din silang kasama na sumunod naman kay Leland at ang iba naman ay nakatutok sa mga halang ang bitukang mga lalaki, lalong-lalo na si Gomez, nakatutok ito kay Clifford, nasa biktima din ang mga mata nito at naghihintay ng signal mula kay Marquez dahil ito ang may full view ng kaganapan.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Storie d'amore⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...