LUS 4

311 38 14
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Starting Over"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍











"MAGSITULOG na daw tayo, maaga pa tayong gigising bukas." Paalala ni Vivian. Ito ang anak ng Tito Jessie at Tita George niya

"Do we really have to go?" Pabulong na tanong ni Mirabella. Narinig pala siya ng pinsang si Mayette. Panganay na anak ng Tita Didi at Tito Isko niya, pinsan ng kanyang Daddy.

"Gracie, it's been months since that incident. You are here to unwind, to relax." Inakbayan siya ni Mayette.

Alam ng pinsan ang takot niyang matulog. Dahil sa tuwing napipikit ag mga mata niya ay nakikita niyang muli ang mga nangyari. Ang mga mukha ng lalaking dumukot sa kanya, ang puno ng kalaswaang tingin sa kanya ng lider nito. Ang mga haplos nitong nagbibigay sa kanya ng matinding pangdidiri sa sarili.

"Oo nga Gracie. Matagal-tagal na rin yun." Maingat na sabat ni Brandi. Panganay na anak ng Kanyang Tita Jane at Tito Sonny, parehong bestfriends ng Mommy at Daddy niya.

Gracie ang tawag sa kanya ng mga pinsan niya katulad ng pagtawag ng mga kaibigan ng Mommy niya noon dito. Wendy Grace ang pangalan ng kanyang Mommy.

"Tatabihan kita sa pagtulog mo." Napangiti naman siya sa tinuran ng Vivian.

"Insan, you need to let go of those nightmares and start living." Paalala ni Lyle, isa sa kambal ng Tita Iris at Tito Ben niya. "We will always be here for you till you get through it." Mapangiti siya ng mapait dito. Mabuti pa itong isang ito, kakaiba ang approach.

"I tried Lyle, God knows how much I did." Takot at nininerbiyos niyang sagot. Hindi na nakakibo pa ang apat na kausap.

Nasa Japan silang magpipinsan ngayon. Regalo ito ng mga magulang at apuhan sa kanila para samahan si Maribella na magbakasyon. Mailayo lang siya pansamantala sa mga bagay na maaaring magpaalala sa kanya sa mga nagdaang pangyayari.

"Where are we going tomorrow?" Bantulot niyang tanong, maiba lang ang usapan.

"We are heading to Kyoto tomorrow to see the temples and we are staying there for three days." Pahayag ng pinsan niyang si Lloyd, kakambal ni Liam.

"But I don't want to go anywhere." Mahina niyang pagrereklamo. "Paano kung maulit na naman ang nangyari sa akin noon? We are far from home." Dugtong niya sa mababa, nanginginig at takot na boses.

She was just kidnapped a few months ago, and that ordeal alone gave her the fright to last her a lifetime. If not because of that group of expert people, she wouldn't have gotten home alive with just a few bruises. She's in a foreign land, who knows what will happen here.

"You have to overcome your fear, my lovely pinsan." Matapang ngunit malambing na sabi ng Ate Ysa niya. Umuwi ito from Canada para sa taunang summer vacation nilang magpamilya. Iba nga lang ngayong summer dahil sila-sila lang na magpipinsan ang gumayak.

"Ate Ysa is right, sis." Sabat naman ng ka-triplets niyang si Wenard, Winnie kung kanilang tawagin. "This extreme fear of being around men is not making you live a normal life." Mas lalo siyang sumimangot.

Ramdam niya kasi ang lungkot sa tinig ng kapatid kaya mas lalo siyang nalulungkot. Nakakadagdag pa tuloy sa bigat na kanyang dinadala.

"Don't be too afraid, Gracie. I am here. If something happen, it won't be as bad as it will be. I'll protect us." Sagot ni D'angelo na kanina pa tahimik at nakikinig lamang.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon