⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Missing"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
NGAYON...
Magaan at masaya ang lahat na kumakain. Nagkalat ang mga ito sa iba't ibang lamesa ng Wendy's Stage. Merong grupo ng tatlo, apat at lima, meron din namang anim lalo na sa lamesa na may mga bata kasama ang isang yaya at sa mesa nila Leland. At meron din sa mga open cottages.
Mula nang araw na nasaksak si Angel, dumating si D'angelo at nag-briefing ang lahat, hindi na nakipag-usap pa si Leland sa kanyang pamilya. Hindi na rin niya gaanong nakikita si Lance at Logan. Kung magkita man silang tatlo ay hatinggabi na, paminsanan na nga at palihim pa.
Sa mga nagsisikain ay mapapansin ang pananamlay ng bawat isa. Hindi naman malungkot, matalamlay lang. Walang mga ganang kumain o kumilos at halatang naguguluhan at apektado pa rin sa nangyari.
Hindi maintindihan ng pamilya ni Maribella kung bakit sa ganun nagtapos ang kanilang linggo. Nagtataka kung ano ang koneksyon ng pangyayaring yun sa tiyahin ng mga de Santino-Garcia sa sitwasyon ng isla. Hindi man nila makita o mahanap ang ugnayang ng dating empliyado ng AGD Travel & Tours na pag-aari ng mga magulang ni D'angelo.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Robby sa mga pinsan.
"Ayos lang, Kuya Rob." Matamlay na sagot ni Amia at Skyla.
"Don't think too much of it." Malambing na paalala ni Wenard sa mga nakababatang pinsan. Mataman lang namang nakikinig at nanonood si Leland at mga kaibigan sa magpipinsang nag-uusap.
"We can't help it, Kuya Wen. Mommy got stabbed and we didn't even know who it was." Halos naiiyak na sabi ni Skyla. Siya ang bunsong kapatid ni D'angelo.
"Don't worry, Sky. We got her already." Malumanay na turan ng nakararating rin lang lang na kapatid.
"Kuya Gelo!" Bati ng dalawang kapatid ni D'angelo. Tumayo ang dalawa at dinaluhong ng yapos ang kanilang Kuya, umiiyak.
"Stop crying, alright. Malulungkot din si Mommy kapag nalaman niyang ganyan kayo. And besides, nagmumukha kayong basang sisiw na mapanghi niyan eh." Natawa ng bahagya si Leland, Robby at Wenard, ganun din ang mga kaibigan at mga pinsang nakikinig.
"Kuya naman eh." Angal ni Amia. "Sa dami ng pwedeng sabihin yun pang mapanghi." Natawa si Skyla sa pagmamaktol ng Ate niya.
"Ayan ka naman, Kuya." Tatawa-tawa sabi ni Skyla kahit may mgal uha pa ito sa pisngi. "Malalaki na kaya kami kaya hindi mo pwedeng gamitin yan, nakakahiya na." Angal nito pero kalma lang hindi katuladn iAmia na iniyakan na ang kapatid. Napailing si Leland. Nakikita niya kasi si Sage sa dalawang dalaga.
"O sige. Hindi na mapanghing sisiw. Maantot na tuta na lang." Dagdag biro panunukso ni D'angelo sa mga kapatid.
"KUYAAA!!!" Sabay na tungayaw ng dalawa. Sumabog ang tawanan sa pagitan ng magpipinsan na kanina lang ay parang namatayan ng tatlong maantot na tuta.
"On a serious note. Mom already had identified the perp and was sent to the precinct for detention pending bail." Magaang pagkukwento ni D'angelo.
"Talaga, Kuya?" Masayang tanong ni Skyla, tumango ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Storie d'amore⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...