LUS 43

231 40 16
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"They're Here"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍









MEDYO madilim na ng magising si Maribella. Inilibot ang tingin sa paligid hanggang mahulog sa katabi ang tingin, bakante na ito. Nakatupi rin ang mga damit niya kung saan nakahiga si Leland kanina.

Napapailing siya sa bilis ng pangyayari sa pagitan nila ng binatang kapitan, bagay na ipinagtataka niya ngunit hindi naman pinagsisisihan.

"Oh my God, Dave. What have you done to me?" Wala sa loob niyang nasabi sabay takip ng kumot sa ulo.

"Eeeiiiii!!!" Tili niya ilalim ng kumot. Nagulat ko pa siya nang makitang wala siyang kahit na isang saplot sa katawan. "Damn you, Leland David Scott! Napakahilig mo!" Pagmumura niya.

Mabilis siyang tumayo at itinapis ang twalyang nakalatag sa ibabaw ng kama. Bitbit ang buong damit na nasa ibabaw ng kama, dumiretso siya ng banyo ng hindi man lamang lumilingon sa paligid niya.

Mabilis niyang binuksan ang dutsa at tahimik na naligo. Hinayaan niyang umagos ito sa hubad niyang katawan.

"Oh Lord, forgive me for being so weak and committing a sin before getting married." Tahimik niyang usal. Patuloy lang ang pagdaloy ng tubig sa katawan niya.

Nalulungkot man siya dahil parang napakarupok niya kay Leland gayung takot naman siya sa ibang lalaki ay ipinagpapaslamat pa rin niyang si Leland ang pinagkalooban ng sarili. Pakasalan man siya nito o hindi, masaya siyang kasama ang binata.

Paano na lang kami kapag natapos nag misyon nila? Biglang sumagi sa isip niya ang pagtatpaos ng misyon. Napatigil siya at tiningala ang tubig na tumatagas mula sa dutsa.

Ano na nga ba ang gagawin niya sa pagtatapos ng kaso ng isla? Paano na sila ni Leland? Meron pa bang sila? Baka sa pagtatapos ng misyon ng mga ito sa isla ay tapos na rin sila? Humugot siya ng malalim na paghinga, lalong nilakasan ang pag-agos ng tubig.

"Well, kung mawawala siya sa pagtatapos ng misyon nila dito sa isla, okay lang. I will just cherish each moment na kasama ko siya." Bubulong-bulong niyang sabi at ipinikit ng madiin ang mga mata. Ayaw niyang isipin ang malayo pang mangyari, naiiyak siya.

"At least kapag wala na sila, I was able to experience the sweet moments with him at pagkatapos nun, magpapakamatandang dalaga na lang ako." Naiiling niyang sabi.

Hindi naman na siguro masama yun na tumandang dalaga ang isang babae? Naalala niya ang Lola Ditas niya. Matandang dalaga itong nturingan sa isla pero nakapag-asawa pa. "Malay mo, ganun ka rin, Gracie." Patuloy niyang pakausap sa sarili.

Maya-maya pa ay nag-shampoo at nagsabon na siya. Hindi siya nagmamadali at hindi rin naman siya nagbabagal. I will just take my time here at sa paglabas ko, kakain ako. Nakakagutom pala ang puro na lang tulog. Nangingiti niyang isip.







"HINDI niya tayo nakita?" Wala sa loob na tanong ni Robby.

"Ewan ko. Sinumpong ba yan kanina?" Tanong ni Wenard kay Robby.

"Ewan ko." Sagot din ni Robby.

Tahimik na nagkatinginan ang magkapatid. Naisip na lang nila na baka nga hindi sila napansin ni Maribella kaya tuloy-tuloy lang ito sa banyo.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon