⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Calmness"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
MATAPOS ilipat ni Wenard at Robby ang iilang gamit ni Maribella na nasa kwarto nito sa kabilang villa ay naging busy na silang apat sa pagpaplano kung ano ang gagawin kinabukasan.
Patulog na si Maribella nang kinatok ito ni Leland sa kwarto.
"Bakit?" Tanong nito pabungad sa pinto.
"Sarah and Fiona are here for you and Ysa." Simple niyang sagot dito.
"Hindi ba pwedeng bukas na lang?" Sagot-tanong ni Maribella, salubong ang kilay at sa hula niya, antok na ito. "Antok na ako." Dugtong nito. Hindi siya nagkamali.
"May ibibigay lang sila, mabilis lang." Maikli niyang paliwanag.
Si Leland ang taong hindi pala-paliwanag dahil wala siyang panahon. Importante ang bawat oras niya pero pagdating sa babaeng kaharap ay nakakalimutan niyang isa siyang sundalo at higit sa lahat isa siyang Scott.
"Good evening, Gracie." Bati ni Fiona. Bahagyang tumaas ang kilay ni Maribella. Lihim na napangiti si Leland, pilit na wag maipakita sa dalaga ang reaksyon.
"Hindi pa namin nasusuot ang mga yan. Kaya namin ibinibigay yan sa inyo kasi yan ang mga style namin." Tiningnan ni Maribella ang set ng damit na bigay nito, napangiwi ito.
Isang skinny jeans na halatang hapit na hapit sa katawan at isang mid rib na pantaas, kasama ang isang mahabang cardigan na jacket, abot alak-alakan ang haba. Ibinigay din nito kay Maribella ang baseball cap na suot.
"Diyos ko po." Mahina nitong reklamo. Mas lalong napangiti si Leland dahil narinig niya ang sinabi ng kasintahan.
Pumasok si Maribella sa kwarto ni Leland at kinuha ang palagi nitong suot na baseball cap at iniabot kay Sarah.
"Yan ang nakikita ng mga tao dito na suot ko palagi." Sabi nito sa hawak na cap. "Alam din ng mga tao dito na hindi ako palakibo sa kanila, hanggang ngiti lang at minsan ay hindi pa, kaya okay lang kung hindi ka makipag-usap sa kanila." Dugtong pa nito. Para namang piniga ang puso ni Leland sa sinabi ng kasintahan.
"Thank you." Nakangiting sabi ni Sarah. Lumingon pa ito sa kanya, Nakita niya ang sinsero ngiti mula dito, walang kahalong pagbabalatkayo.
"Ano 'to?" Tanong naman ni Ysa." Iniisa-isa ang mga bawat saplot na ibinigay sa kanya. Napatingin siya kay Abner, matipid itong ngumiti.
Isang maiksing plaid design na skater skirt na may kasamang itim na spandex, Maliit na tank top na halatang hapit na hapit ito kapag naisuot. Napatingin ng lihim si Ysa sa sariling dibdib, iniba ni Leland ang tingin.
"That's my style." Sagot ni Fiona. "If you feel uncomfortable, you can put on some thin cardigans, too." Suhestiyon ng dalagang tinyente. Tumango si Ysa at ngumiti.
Mabilis na tiningnan ni Leland si Abner at muntik na mapabunghalit ng tawa sa naging reaksyon ntio... tulala. Titig na titig ito sa dalaga, bahagyang nakangangang at tulalang-tulala.
Tumayo si Ysa at pumasok sa kwartong inukupahan. Ilang saglit lang ay lumabas na rin ito... may dala.
"This is what I use whenever I am walking around the island." Ibinigay ni Ysa ang malapad na summer hat na palagi nitong gamit sa isla. Isang mahaba at loose ng pants at easy flowing na blouse na parehong gawa sa telang chiffon.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...