⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Anxiety"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
MAAGA pa lang ay bumangon na si Maribella at halos magkandarapa pa siyang tumatakbo papuntang banyo. Sapo ang nilalamig na sikmura at tutop ang bibig sa takot na masuka siya sa higaan o sa sahig bago pa makarating ng banyo. Malaking lilinisin yun kapag nagkataon.
Sa harap ng malinis na inidoro, halos isuka na niya ang buo niyang laman-loob sa kakasuka na wala namang lumalabas kundi malagkit na laway lang.
Bago pa man siya makatayo ay naramdaman na lang niya ang banayad na paghaplos ng mainit na kamay sa likod niya at ang paghawi ng isa nitong kamay sa buhok niya at maingat at magaan na hinawakan ito para hindi mapunta sa sinusukahan niya,
Walang kibo ito at mapagpasensiyang tumungko sa tabi niya habang patuloy na hinahaplos-haplos ang kanyang likod na sinabayan din ng malumanay na pagmasahe. Parang may mainit na kung ano ang humaplos sa puso niya dahil sa ginawa nito, kinilig at natuwa siya. Higit sa lahat, mas lalo yata siyang nai-in love sa lalaking katabi na ngayon ay asawa na nga niya.
Maya-maya ay umayos na ang kanyang pakiramdam, nakaupo lang siya sa sahig ng banyo sa harap ng inidoro. Hindi siya kaagad tumayo dahil nga parang nanghihina ang kanyang tuhod at bahagya din siyang nahihilo.
Ilang sandali pa ng malumanay na breathing exercises, inhale, exhale. nagulat siya ng bigla na lang siyang umangat mula sa kanyang kinaluluklukan, binuhat na pala siya ni Leland. Mabilis siyang umakap dito dahil parang siyang nalula, nasusuka,
"Ibaba mo nga ako!" Matigas niyang utos kay Leland. Umiling ito nang nakangiti.
"Nope. You can't get out of here looking and feeling like this." Sabi nitong may kasama pang paghalik sa kanyang noo.
Walang sabi-sabi ay ipinasok siya nito sa shower at pinaagos ito. Napatili siya dahil sa lamig ng tubig na lumabas dito.
"Leland David Scott!" Sigaw niya sa pangalan nito, nagpapapasag siya.
"Hey! You are going to fall!' May kalakasan nitong sabi. Bigla naman pinatay ni Leland ang shower. "I'm sorry, my love. I didn't mean to." Paghingi nito ng paumanhin. Muli siyang hinalikan ni Leland sa noo at mahigpit siya nitong niyapos at paulit-ulit na nagso-sorry sa kanya.
Hindi na lang siya kumibo dahil maliban sa nilalamig siya, gusto niya ang pakiramdam na yakap-yakap siya nito. Feeling niya ay ligtas na ligtas siya sa kahit na anong pangyayari sa paligid kapag nakapaikot ang mga bisig nito sa kanya. Parang katulad lang ng jacket nito na naging comfort zone niya.
"Love." Pagtawag ni Leland kay Maribella. Hindi siya kumilos. "Love." Muli nitong tawag. Hindi pa rin siya kumikilos. Ayaw niyang umalis pagkakayapos nito.
"Love!" Bahagya siya nitong niyugyog. Nag-angat siya ng tingin.
"What?!" Mapakla at aburido niyang sagot. Natawa si Leland.
"I know you love hugs, cuddles and kisses but you are wet. WE are wet. If you don't take a shower right now, you will get sick... and so is the baby." Malambing nitong turan at nakangiti.
Nabuwisit siya sa sinabi nito at dahil na rin sa ganda ng ngiti inilahad nito sa kanya. Para pang nang-iinis pa sa kanya ang nag-iisa nitong dimples, dahil kumakaway ito, nanlalandi sa kanya. Gusto niya tuloy itong hambalusin ng tabong nakasabit sa gilid ng lababo, hindi ngal ang niya maabot.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Storie d'amore⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...