LUS 66

234 36 20
                                    





⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Last Will"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






  SAMANTALA...

"Lola Sol." Kumaway si Leland bilang pagbati sa babaeng apuhan ng mga de Santino.

"Oh, apo." Bati din nitong nakangiti ng malapad bago bahagyang nagtaas ng isang kilay. "Anong nangyari?" tanong nitong ikinapatda iya ng bahagya bago ngumiti dito na labas ang nag-iisa niyang biloy.

"Wala naman po, La." Sagot niya. Ano ba ang pwede niyang isagot sa apuhan ng asawa?

Maaga para magkwento o mas magandang sabihin na magsumbong. Tsaka hindi niya isusumbong ang asawa. Maliban sa ayaw niyang kagagalitan ito ng kahit na sino, masyado pang maraming importanteng bagay na dapat pag-usapan at harapin sa isla.

Hindi na kailangan pang malaman ng lahat ang pag-aalala niya para kay Maribella. Simula nung pumirma ito ng contrato matrimonial, responsibilidad niya ang kapakanan nito.

"Wala? Eh bakit nakakunot yang noo mo?" Tanong nito, nananantiya. Magaan ang ngumiti sa apuhan ni Maribella.

"Wala po ito, Lola Sol. Marami lang dapat na asikasuhin, puro pa kalokohan ang inaatupag ng mga watsinanggo kong kaibigan." Pagrarason niya.

Totoo naman ang kanyang sinasabi, maliban sa pag-aalala niya kay Maribella, ang nagpainit ng ulo niya ay ang kakulitna ng mga tauhan lalo na si Arkady.

Mabuti na lang at sinalo ni Renato ang kamao niya kanina dahil kung hindi, paniguradong maghahapunan si Arkady na may black eye, pasa at bendahe sa katawan.

"Kung sakaling may bumabagabag sa iyo, wag kang mag-atubiling lumapit sa amin ng Lola Sol n'yo." Sambot ni Lolo. Tumango naman siya at ngumiti sa matanda.

"No problem, Lo. Kayo po kaagad ni Lola Sol ang tatawagin ko." Magalang at malumanay na sagot ni Leland. Tinapik siya ng matanda sa balikat.

"Nasaan na ang asawa mo?" Mahinang tanong ni Lolo Gorio na nagpangiti sa kanya.

Gusto niya ang tunog ng tanong ng apuhan ni Maribella. Parang may dalang kiliti sa kanyang puso na nagbigay ng maginhawang pakiramdam sa kanya kahit na bahagya siyang nag-aalala sa biglang pag-iyak nito kanina. Sasagot na sana siya apuhan nang may tumawag sa kanya.

"Leland." Nakangiting bati ni Richard sa kanya. Kumaway siya dito ng may kapormalan ngunit nakangiti naman.

Tinambol ng biglaang pagkaba ang dibdib niya na hindi mawari. Hindi niya lalam kung kaba ba ito o excitement, bago ito sa kanya. Kelan nga ba siya huling kinabahan ng ganito? Kani-kanina lang kinabahan siya pero hindi kasing tindi nito ngayon. Lihim siyang napangiti at napailing.

"Hi, Tito Richard." Bati niya dito. "Nasaan si Tita Wendy?" Tanong niyang sinilip pa ng bahagya ang likuran nito. Wala namang nakasunod dito.

"Umakyat muna sa taas." Nakangiting sagot ng padre de pamilya.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon