LUS 80

274 33 37
                                    











⚠️ UNEDITED ⚠️

🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

🤍🤍🤍🤍🤍🤍











MATAPOS ang tagpong yun sa clinic ni Logan, ilang buwan na rin ang lumipas. Naisilang na rin ni Makai at Majz ang kanilang mga supling. Nauna lang si Makai ng mga ilang araw, tapos sumunod na rin si Majz.

Tuwang-tuwa sila lahat kaya napilitan siyang tumira sa mansyon ng mga Scott dito sa Makati. Matapos silang maikasal noon ni Leland, hindi na ito bumalik sa sa pagsiserbisyo, ganun din ang mga kaibigan nito na ngayon nga ay may sari-sarili nang negosyo ngunit hindi pa rin nila nakakalimutang magkita-kita dalawang beses sa isang buwan.

Sabado. Tambay sila bahay ni Akrady at Vivian ngayon sa Tagaytay. Masaya si Maribella na makitang masasaya ang mga pinsan sa kinahinatnan ng mga buhay-buhay nito, nakikipag-asaran sa isa't isa.

Pinagkukumpulan nila ngayon ang pinsang si Mayette na buntis na ngayon sa unang anak nila ni Renato. Suplado niyang kilala at may kalokohan din si Renato, ang hindi niya lang maubos maisip ay napakalambing nito at napakamapagmahal sa kanyang pinsan. Spoiled nga ito lalo na nung magbutnis na ito sa wakas.

"Ikaw kamo, ang arte mo!" Singhal ni Brandi kay Mayette na humihimas sa bilog na bilog na tiyan nito.

"Ano naman ang ikinaarte ko?" Mataray nitong bwelta sa pinsan.

"Ayan na naman kayo eh, magtatalo na naman kayo." Saway ng Ate Ysa nila, nakasunod si Able dito at karga naman ang isang taong gulang na si Abby, ang pangalawa nitong anak.

"Kanina pa nga yang dalawang yan Ate eh, hindi naman naghihiwalay." Natatawa niyang sabi... sumbong. Mas natawa siya sa naisip.

"Nasaan ang mga sisiw mo?" Tanong ni Vivian. Palapit ito sa kanila, may dalang tray ng pineapple juice at orange juice.

"Si Dale nasa Daddy niya. Si Marle naman, ayun oh, tulog." Turo niya sa anak na nakabaluktot sa ibabaw ng nakalatag na kutson sa family den nila Vivian.

"Eh, ikaw? Nasaan naman ang mga kuto mo?" Tanong naman niya dito.

"Ayun oh." Turo nito sa dalawang anak na lalaki, si Kirk at Dirk, kambal.

"Talagang nakadikit palagi sa ama nila yang dalawang yan." Nakangiti niyang puna.

"Paanong hindi didikit sa ama nila, nakikita mo ba yung mga ipinapanood niya sa mga anak niya?" Mataray na sabi ni Amia.

"Ano?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Dibdib at puwet ng babae!" Pasigaw nitong sagot nang makalapit na sa mga asawa nila.

"Ano yang pinagsasabi mo na naman, Amia?" Nanlalaki ang mga mata ni Arkady. Matataas na itong magtagalog, marunong na rin itong magbisaya.

Humarap ito sa kanila na salubong ang kilay at galit na tinapunan ng tingin ang tatawa-tawang si Amia. Palaging ganito ang dalwang ito.

"Babe, wag mo na kasing tuksuhin, mamaya mag-away pa sila ni Viv eh." Malambing na saway ni Mikael. Ngumuso lang si Amia at lumapit sa fiance. Hindi pa kinakasal ang pinsan dahil nagtatapos pa ito ng master's degree nito. Okay lang naman kay Mikael.

"Ang kulit mo, Amia." Deklara niya, mas ngumuso ang nakababatang pinsan.

"Ikaw naman Brandi, kelan ka magbubuntis?" Baling ni Ysa dito bago umupo sa tabi nito.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon