⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Suman"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"KAMUSTA na si Makai?" Malambing na tanong ni Maribella kay Leland. Nasa dulong cottage sila ngayong dalawa, magkaakbay, nakatingin sa dagat. Tahimik ang paligid at nagse-siesta time ang lahat.
"Nanganak na daw, lalaki, 8 lbs 14 oz." Simple at malambing na sagot ni Leland sa kanya.
"Ang laki!" Bulalas niya. Napalakas ang kanyang boses, natawa ang asawa sa pagbulalas niya.
"Bumawi lang siguro d sa anak dahil pareho silang kulabg sa timbang ng ipinanganak." Magaan na sagot ni Leland. Napangiti siya.
"May ganon talaga 'no?" Tumango si Leland sa sinabi niya. Natahimik na uli sila.
Naalala niya kahapon nung biglang sumigaw si Makai, hindi niya ikakaila, nataranta at natakot siya. Kumalma naman kaagad siya nang makita niyang kumalma din kaagad ang paligid niya ng makabawi.
Napalitan na nga ng pagtawa ang pagngiwi niya nang makita niya si Logan na hindi magkandaugaga.
Sa lahat ng duktor na nakilala niyang nahaharap sa emergency, kasama na ang Tito Jake niya, itong si Logan ang nataranta, mabuti na lang talaga ang naging mahinahon si Makai. Humanga siya dito.
Matapos namang mahimasmasan si Doc Logan ay parang balewala na nitong binuhat si Makai para isakay sa isa sa malaki at mabilis na lantsa ng resort. Sumama na rin si Lance at Majz sa mga ito.
Naalala niyang pinipilit niyang sumama o sumunod sa mga kapatid at hipag ang asawa pero nagpaiwan itong si Leland.
"Teka." Sabi niya nang maalala ang nangyari kahapon. "Bakit nga pala di ka sumama sa kanila kahapon, even after I asked you to go with them." Sabi niya kay Leland. Nilingon lang siya nito at ngumiting umiling.
"Bakit ako sasama sa kanila?" Tanong nito sabay lingon sa kanya.
"Natural lang naman siguro yun dahil pamilya mo yun." Mabilis niyang sagot. Tinitigan siya nito bago nagsalita.
"Why would I? My wife is here." Maikli nitong sagot.
"Ang arte mo." Sabi niya na lang sabay irap dito.
Kinilig kasi siya sa sinabi nito pero hindi naman nagpahalata kaya tinakpan niya na lang ng pagtataray-tarayan.
"What? Totoo naman ah." Tatawa-tawa nitong pagrarason. "And besides, what do they need me there for? Nandun naman na si Jaice at Lance to assist Kaila." Pahayag nito.
"Eh syempre, kapatid ka ni Logan. Suporta ba." Sabi niya. Umiling ito at mahigpit siyang hinapit palapit dito.
"Kaya na nila yun. Jaice is Kaila's first cousin. Lumaking parang magkapatid ang dalawang yun, with Lance there, kaya na nila yun. Mas kailangan mo ako dito. And besides, they are texting me every 10 minutes." Makahulugan nitong sabi na sa dagat na nakatingin. Hinihintay nila ang paglubog ng araw.
Wala silang ibang ginawa ngayon araw kundi ang magpakatamad sa cottage na ito. Matapos ang lahat, hindi masamang magtamad-tamaran.
Walang reservation na dapat niyang isipin dahil puro lang mga kamag-anak niya ang darating para pag-meeting-an ang paparating na Christmas reunion ng kanilang pamilya, iilang pamilya ni Leland at yung iba ay kaya na yun ni Pining.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...