LUS 33

305 34 52
                                    





⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Tranquilizer"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







"LAPITAN mo na kasi." Susog ni Alexa na pabigla-bigla na lang sumusulpot at pabigla- bigla ring nawawala.

"Hindi pwede. Nagtatrabaho ako ngayon, Deanne, kaya wag mo akong bwisitin." Singhal niya rito, pabiro lang naman. Natawa lang ito.

"Hindi pwede? Trabaho? Talaga lang ha? Naku, don't me, Scott. Kilala kita. Para ka ring mga kapatid mo. With those looks, I think the sniper's heart has been under siege, di niya nga lang alam." Binangga pa nito ang balikat niya, nang-iinis talaga. "So if I were you, I'd confess na. Now na now na." Sulsol nito. Napailing siya.

"Gusto mo ng piso, Deanne?" Tanong niya dito. Binalewala ang pang-aasar nito sa kanya. Panandalian itong natahimik, nag-iisip siguro.

"Anong gagawin ko sa piso mo? May mabibili pa ba yan?" Nakakunot ang noo nitong tanong pero nasa direksyon ni Maribella din nakatingin. "Scott ka nga kuripot ka naman?" Natatawa pa nitong dugtong.

"Meron." Seryoso niyang sagot. "Pambili mo ng kausap mo, wag lang ako." Dugtong pa niya, natawa si Alexa. Hinarap siya nito sabay hampas sa kanya, tinamaan siya sa braso.

"Gagong 'to. Na-in love lang kung ano-ano na ang alam." Pagmamaktol nitong natatawa. "Bakit hindi mo gamitin yang piso mo para magtapat na sa kanya, hindi yung hanggang tingin ka na lang. Siraulo!" Isa pang hampas nito sa kanya gamit ang likod ng kamay nito, tinamaan siya ng medyo masakit sa balikat. Tumama yata ang singsing nito sa kanya.

"What the hell, Alexa Deanne Richards? What kind of weapon do you have there?" HInihimas-himas niya ang balikat na hindi niya malaman kung sinapak ba o sinaksak na.

"Ang arte mo!" Singhal ni Alexa. "Singsing na bigay ni Lola Rose lang yan!" Dagdag pa nito sabay tingin sa singsing.

"Kay Lola nga ba galing yan?" Tanong niyang nanunukso. Inirapan siya nito. "Ang sakit. Nagpunta ka lang ng Canada, mapanakit ka na." Saad niyang hinihimas pa rin ang pinaghampasan nito, tatawa-tawa.

"Whatever." Pagbabalewala nito sa sinabi niya. "Just go over there already." Pasiko siya nitong binangga.

"I will. But it's not the right time yet, Deanne." Simple niyang dugtong.

"Achoos! May pa-not-the-right-time-yet ka pang nalalaman dyan? Eh kelan pa? Patingin ka na kay Logan baka kung ano na ang nangyayari diyan sa puso mo, isama mo na rin ipatingin yang utak mo." Nang-iinis nitong sabi. Bahagya siyang natawa.

"Wag ako ang kulitin mo dito, harapin mo yang problema mo. Ang puso ko ay nasa ayos, yang puso mo ang hindi. Bakit hindi mo harapin yang nagpapagulo sa mundo mo, hindi yung nagtatago ka dito sa islang ito?" Bwelta ni Leland sa dalaga.

"Hindi na pwede at hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko dahil butas ng karayom na ang papasukin ko. Walls of Jericho pa ang binangga ko. Isang iconic na Great Walls of China." Malungkot na sagot nito. "Feeling ko tuloy isa akong Mongol na hinarangan." Napalingon si Leland sa kapatid ng hipag. May hugot?

"Kelan pa natakot ang isang Alexa Deanne sa karayom at mga pader? Kung yun ngang layered na pader ng Attack on Titans natibag mo, yan pa kayang Jericho?" Patukoy nito sa sinasabing love life ng bilas. Hinarap niya ito ng tuluyan. "May I remind you, Alexa Deanne. Isa kang Richards, tatay mo si Alden Richards at nanay mo naman si Maine Mendoza Richards. Walang dapat may mang-aapi sa iyo, at walang kahoy sino ang may karapatan na maliitin ka kahit maliit ka. Kasyang-kasya ka sa butas ng karayom." Pang-aasar niya dito, ikinainis yata ng dalaga dahi lisang matinding hampas uli ang natikman niya. Itinawa na lang niya.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon