⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Bakit Ako?"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"SO, bawian na ba ng pirma?" Nagulat siya sa tanong ni Lance na ipinagtataka niya.
"Anong pirma?" Balik-tanong niya dito. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Bigla, ngumiti ito sa kanya ng pagkalapad-lapad.
"GRACIE!" Bago pa man siya makasagot o makapagtanong uli kay Lance ay nagulat sila sa sigaw na narinig mula sa kung saan. Kilala niya ang boses na yun, ang Daddy niya.
"Dad?" Mabilis silang napatayo at sabay na lumabas ng waiting room para siguraduhing kilalanin ang tumawag sa kanya.
"My God, Gracie!" Mahigpit at padaluhong na yakap ang sumalubong sa kanya mula kay Wendy pagkakita na pagkakita nito sa kanya.
"Mom?!" Sambit niya. Tumabi si Lance para bigyan ng daan ang mga magulang ni Maribella.
"What happened? Anong nangyari?" Tanong ng ina na sinisipat ang bawat bahagi ng kanyang katawan, mukha, balikat, kili-kili, likod pati na ang hita niya. Para bang naghahanap ito ng sugat o pasa.
Hindi naman kaagad siya nakasagot, nagpaikot-ikot lang siya dahil sa ginawa ng inang pagsisiyasat sa katawan niya, tanging pagkisap-kisap lang ng mga mata ang kanyang nagawa.
Nakita ni Lance ang pagkataranta sa mga mata ni Maribella kaya mabilis siyang lumapit at maingat na nagsalita.
"Hi, Tita Wendy. Hello, Tito Richard." Bati nito sa kanyang mga magulang. Napabuga ng hangin si Maribella dahil sa ginawa nito. Tahimik na nagpasalamat kay Lance. Pasimple itong ngumiti at kumindat sa kanya.
"Lance? Logan?" Baling ni Wendy sa lalaki, nalilito. Tumingin ang ina sa kanya.
"Lance po." Sagot nito sabay lahad ng kamay sa mga magulang niya. Kinuha ng Daddy niya ang kamay ni Lance at nakipag-kamay. Inakap naman ito ng ina.
"Ano ba talaga ang nangyari sa isla?" Matiim na tanong ni Richard, hindi naman galit, nagtataka, nag-aalala.
"I don't know where to start, Tito. It was all too fast, but to make it short, Leland and his group just got back from the sea... from their mission. Nahuli na nila ang mga nanggugulo sa isla. But sad to say that there is always that unexpected happenings, nakatyempo si Clifford at Imelda na manggulo." Magaan nitong kwento.
"Like father, like son." Matiim na puna ni Richard.
"Like mother, like daughter pa 'ika mo." Paangil at nakangiwing turan ni Wendy. "Idagdag mo pa ang like great-grandfather, like great-grandson at ang like great-grandmaother, like great-granddaughter sa listahan." Nakabusangot na dugtong ina. Hinaplos-haplos ng Daddy niya ang likod ng kanyang Mommy para kumalma ito, napangiti siya.
"Well, whoever they got it from, they are something else." Patango-tangong sang-ayon ni Lance sa mag-asawang de Santino. "They took advantage of that fact na inaalalayan ni Leland si Lt. Sahara, who was kidnapped earlier on the day and was also drugged by them." Nanlaki ang kanyang mga mata sa nalaman, ganun din ang mga magulang.
Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Paano naman nitong nalaman ang lahat ng yun. Nawalan sila ng panahon at pagkakataon na magpakwentuhan man lang tungkol sa naganap na sea raid.

BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...