⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Trash"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"DAVE!" Nagulat si Leland sa narinig sa earpiece. Sigaw ni Arkady yun. Mabilis siyang napatayo.
"Son? What happened?" Tanong ni Brielle, nag-aalala.
"Mom, stay with Sage, Call Dad." Yun lang ang sinabi sa ina at mabilis na itong tumakbo pabalik sa villa niya. Ano ang nangyari kay Arkady Yaari?
"Dave!!" Mas malakas na ngayon.
"Bella..." Alam niya kung nasaan si Arkady.
Walang pang ilang sandali ay napansin na rin niya ang mga kaibigan na parang mga nakikita ng multo sa tulin ng pagtakbo papunta kung saan nila huling nakita si Arkady.
"Ark?!" Tawag ni Leland sa kaibigan.
Sabay-sabay silang nakarating kung nasaan ito, sa harap ng villa ni Maribella, nakataas lahat ang kanilang mga baril para lang matigilan sa eksenang nadatnan.
"Ano yan?" Wala sa loob na tanong ni Abner, nakaarko ang kilay. Ito ang unang nagbaba ng baril.
"Will you guys put that gun down? Baka pumutok yan!" Saad nitong tumayo at paa na ang ginamit para pigilan ang taong nakadapa sa lupa.
"Pwede ba?! Alisin mo yang paa mo sa likod ko!" Sigaw ng lalaking nakadapa sa lupa.
"What did he do to you, Ark?" Natatawang tanong ni Mikael.
"Oo nga. Gaano ba kalaki ang naging atraso ng taong yan at pinakain mo kaagad ng lupa?" Sinabayan din Renato ng tawa. Isinuksok na ang baril sa likod. Ganun din ang ginawa ni at Mikael.
"You guys, keep it down, she may be still asleep." Tukoy ni Leland kay Maribella na nakaani ng apat na pares ng mata kyuryosong nakatitig sa kanya. "What?" Tanong niya sa apat na baliw na nakatayo na parang mga maiingay na miron.
"Ah, h-hello?" Umuubo-ubo pang pagkuha ng pansin ng lalaking nakadapa pa rin sa lupa. Singhot ang lahat ng alikabok na masisinghot nito, putok ang labi at puro kalmot ang mukha.
"Who's this?" Tanong ni Ishmael, tukoy sa lalaking nahuli ni Arkady. Lumuhod ito sa lupa gamit ang isang tuhod.
"He's Emielber Pascual." Nakatitig siya sa binatang nasa lupa. "What in the world did you do to Ark for him to pin you on the ground like this?" Muntik matawa si Leland sa dumi ng mukha nito at mukhang nasuntok yata ni Arkady bago pa napasuko nito ng binata ng ganito.
Nagtaas muli ang kilay niya si Leland. Kanina pa nga niya tinitigan ang mukha ng lalaki na puro kalmot. Lihim siyang napangiti.
"Do you do cat fights now, Ark?" Tanong niyang malapad ang ngiti, kay Emielbert pa rin nakatingin. Pigil ang panggigigil at pigil din na wag matawa kay Arkady pero talaga namang katawa-tawa ang eksena. Umupo siyang paluhod gamit ang isang thuod, inuusisa ang mga kalmot sa mukha ni Emielbert.
"Well, why don't you ask your girlfriend, DAVE!" Sagot ni Arkady, pataray. Mabilis na nag-angat ng tingin si Leland kay Arkady at mabilis na nilingon ang villa ni Maribella.
Mabilis na tumayo si Leland at inisang hakbang ang hagdanan ng villa mula sa kinalalagyan kinatatayuan niya.
"BELLA!" Tawag niya sa dalaga. Pilit na binubuksan ang naka-lock na pinto. Walang sagot.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...