LUS 23

277 41 39
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"I'm In Love"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"IS everything okay?" Nag-aalalang tanong ni Leland kay Maribella.

Pagkatapos kasing makipag-usap ng dalaga sa telepono, basta na lang itong upo sa sahig na para itong naupos na kandila. Nag-alala siya kaya niya ito nilapitan, nanginginig ito.

"Bella." Hindi niya matiis na hindi lapitan ang dalaga. Lumuhod siya sa tabi nito para alalayan ito, bigla na lang itong umiyak. Parang tinusok ng maliliit na karayom ang puso niya sa nakikitang sitwasyon ng dalaga. Hinayaan niya muna sandaling umiyak ito.

"Pagod na ako." Sabi nito sa pagitan ng paghikbi at pag-iyak.

Hinihintay niyang tumayo ang dalaga pero nagpatuloy lang ito sa pag-iyak kaya mas minabuti na lang niyang buhatin ito at i;i[at sa sopa.

Nagtagis ang mga bagang niya dahil parang nagcha-chacha lang ang moods nito. Parang hindi umuusad at walang pagbabago. Para nga yatang imbes magkaroon ng progreso ang dalaga sa nangyari, eh naging paatras ang takbo nito, pabalik sa simula. Bakit?

Ayun sa kanyang naobserbahan sa dalaga simula ng dumating sila dito at nakasalamuha nila ang buong pamilya, at ayun na rin sa kwento ng iilan sa pamilya nito, hindi nagsasalita o nagkukwento si Maribella sa mga nangyari sa kanya kaya hirap silang malaman kung ano talaga ang nangyayari dito.

Sa nakikita niya, tama ang ginagawa ni Maribella na maging busy ito, katulad na lang ng pagtulong sa pagpapatakbo ng resort. Nailalayo nito ang sarili sa mga bagay na maaaring makapagpaalala sa mga nakaraan. Nailalayo din nito ang isip sa mga nangyari dahil napapalitan ito ng isipin tungkol sa mga gawain dito sa isla.

Kung suporta lang naman ang kailangan ni Maribella, nandiyan ang buo nitong pamilya, palaging handa na samahan, damayan, at kausapin siya. Pero yun nga problema, hindi ito gaanong nagbubukas ng nararamdaman sa pamilya kaya hindi man lang maka-move on ang dalaga sa unang hakbang para mapaayos ang kondisyon nito at yun nga ay ang magkwneto ng tungkol sa nangyari.

Ayun sa ina nito, hindi ito nagkukwento ng mga bagay-bagay tungkol sa naganap dito at kung ano talaga ang nangyari sa loob ng abandonadong building na yun. Kahit nga ang mga napapanaginipan o nararamdaman sa kasalukuyan ay sinasarili din lang ni Marbella at nagtatago lang sa likod ng mga ngiti.

Sa mga ginagawa nito, hindi tuloy napapaghandaan ni Maribella ang mga flashbacks at nakakairita o nakakatakot na mga alaala. Katulad ngayon, isang nilalang mula sa nakaraan na maaaring may kinalaman o maaaring wala rin ang biglang sumulpot.

"Can I just die?" Narinig niyang bulong ng dalaga. Nahigit niya ang paghinga.

Parang bombang malakas na sumabog sa pandinig ni Leland ang sinabi ni Maribella gayung halos hindi na nga marinig ang sinabi nito. Umiiyak itong nakayuko sa kanyang kandungan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya malaman ang gagawin, iisipin o sasabihin dito. Sa kauna-unahang pagkakataon, nawala ang tapang ni Leland. Ang tangi niyang naiisip ngayon ay umiyak na rin kasabay nito.

Not once in his life has he cried for someone else except for his family. But today, right at this very moment, he felt like crying. Ang sikip ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Mas masahol pa itong nararamdaman niya ngayong pangangapos ng paghinga kesa sa mga nauna.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon