LUS 36

290 31 20
                                    


⚠️ UNEDITED ⚠️


🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"My Love"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍


"KANINA pa kayong dalawa nagtatalo diyan!" Singhal ni Maribella kay Mikael at Amia. Nasa kwarto sila ni Mikael at Abner. Inaayos ng binata ang mga nasirang equipment. Mabuti na lang at may extra sa kwarto ni Arkady sa kabilang villa.

"Gracie, kausapin mo nga ang pinsan mong ito." Kalmadong turan ni Mikael, kahit himig batang nagsusumbong sa kanya, napabungisngis siya.

"Amia naman eh." Saway niya dito. Kanina pa kasi nito tinatarayan si Mikael. "Pwedeng magsalita ng hindi nagagalit." Paalala niya dito.

"Nakakainis kasi ito eh." Turo nito sa binata. Natawa si Leland.

"Ano naman ikinainis mo sa akin? Ni hindi nga kita diyan nililingon dahil busy ako. Trabaho ito." Paliwanag ni Mikael na halatang pikon na kay Amia ngunit pinipilit na ikalma ang sarili.

Natutuwa naman siya dahil ang haba ng pasensiya nito para makulit niyang pinsan.

"Trabaho nga. Kaya nga bilisan mo diyan, hindi yun papatay-patay ka. Paano nating mahuhuli ang pumalo sa ulo ng Kuya ko kung hindi mo bibilisan yang kabubutingting mo diyan!" Angil ni Amia sa binata. Napapiling na lang siya.

"Ms. Garcia, hindi ganun kadali ang ginagawa ko. And besides, kahit ako ay napalo din sa ulo, masakit pa nga eh." Turo nito sa bendahe sa kanang bahagi ng noo nito.

"Ang arte nito. Konting bukol lang eh pinabendahe pa kay Doc Logan at kay Robby, pwede namang wala na." Humalukipkip ito, nakasimangot. "Yung kay Kuya nga yelo lang ang katapat kanina maayos na." Dugtong pa nitong may pagtirik at pagrolyo pa ng mga mata nito. Natawa si Leland.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan, Dave? Gusto mo nang mag-asawa?" Pang-aasar naman ni Mikael kay Leland kesa harapin ang pinsang walang ginawa kundi ang pikunin ang batang tinyente. Seryoso nitong binato ng nakakasugat na tingin ang kaibigan.

"Gago!" Sagot naman ni Leland dito.

"Ay siyangapala, nasaan na si Sage?" Tanong ni Maribella kay Leland.

"Kasama na ni Logan." Sagot nitong parang pagod na pagod. Nakaupo ito ngayon sa tabi niya at parang walang balak na umalis. Napangiti siya ng lihim.

"Bakit kasi hindi mo inaayos yan?!" Mataray na sabi ni Amia na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Leland. Patuloy pa rin ito sa pangungulit nito.

"Maribella. Pwede bang paki tali itong pinsan mo, please lang." Pakiusap ng batang tinyente sa kanya. Kakamot-kamot na lang ng ulo si Mikael na parang aburidong-aburido. Sino ba ang hindi maaburido sa pangungulit nito? Napangiti si Maribella-ng nilingon si Leland.

"Eh! Kauna-unahang labtim ng resort sa henerasyong ito." Bulong niya sa binata sabay turo sa dalawang nagbabangayan. Bahagya siyang napaatras nang matalim siyang tinitigan nito. "What?" Tanong niyang nagtataka.

"Love team? Really? In times like this, you thought of a love team?" Iritado nitong turan. Natawa siya.

"Mainit ang ulo?" Sarkastiko niyang tanong, pilit niyang ipinaaabot na biro lang sinasabi dahil kinakabahan at nag-uumpisa na siyang matakot sa galit na nakikita sa mga mata ni Leland.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon