⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Diagnosis"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"Hi, Gracie." Bati nitong nakangisi na parang aso. Yun ang tingin niya dito kaya yung takot at kaba niya ay nagsusuntukan sa kanyang dibdib.
If bad luck comes in three... she's very unlucky. Damn! Just my stinkin' luck!
Itinaas nito ang kamay palapit sa kanya. Gusto niyang umiwas dahil hindi niya alam kung anong gagawin nito. Ang problema ay hindi niya maikilos ang katawan, ayaw gumalaw ng kanyang mga paa.
Kailangan na niya itong layuan dahil papalapit ng papalapit ang kamay nito sa mukha niya. Parang slow motion scene sa isang movie ang nangyayari sa kanya ngayon.
Gusto na niyang mamatay na lang kesa lumapat ang kamay nito sa balat niya.
"Bella." Sabi naman ng isang boses. Pagkalapit na pagkalapit pa lang ay pumulupot na kaagad ang kamay nito sa bewang niya. Mas lalo siyang nanigas. Ay pisti! Ang tanging naisip niya.
Ang nakapagtataka niya lang, kahit na kinakabahan siya ay hindi siya natakot. Bakit? Hindi nagpa-panic ang puso niya bagkus ay parang kinukuryente pa nga ito. Maganda sa pakiramdam niya ang dating ng init na nanggagaling sa braso nito.
"D-Dave." Napapikit niyang sambit sa pangalan nito. Dang Gracie! You're an idiot. Paninermon niya sa sarili.
"I'm Leland." Pakilala nito sa lalaking nasa harap nila.
Maingat siyang bumuga ng hanging naipon sa dibdib niya, pilit kinakalma ang sarili. Pero walang nagawa yun sa kanya, kinakabahan pa rin siya.
"Emielbert Pascual, brod." Mayabang pa rin nitong pakilala sa sarili.
"We're not brothers. You're not a Scott." Mas mayabang at seryosong sagot ni Leland. Gayunpaman ay nagdaop-palad pa rin ang dalawang mayabang. Naiinis siya sa kabila ng takot na nararamdaman.
"Scott? As in the Scottsdale Empire?" Tanong nito, tumango si Leland. "How are you related to them?" Dugtong nito. Mas hinigit siya ni Leland palapit sa katawan nito. Napapikit siya ng madiin, napayuko.
"I am the Scottsdale Empire." Mahinahon nitong sagot. Mayabang! Napaatras si Emielbert, nagulat sa narinig.
"Y-you're that... that businessman, right?" Tanong uli nito. Napatingala siya, diretso sa mata ni Emielbert.
"No." Sagot ni Leland.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Leland kung tawa nga ba yun at yumuko panandalian. Napakunot ang noo niya pero diretso pa rin ang titig nito kay Emielbert.
"Are you that doctor, who went missing for years and thought was dead?" Tanong uli nito, anyong nang-uuyam pero kita sa pinipilit na walang kaekspre-ekspresyong mukha ang pagiging kyuryoso sa kaharap.
Ganito si Emielbert mula pa nung mga kolehiyo sila. Palagi itong sumasama sa mga may kayang estudyante noon.
Akala nga niya ay matino ito, hindi rin pala. Hindi naman sa pagiging judgmental, pero wala itong kwenta.
"No." Simple nitong sagot.
This time, napansin niya ang mas mahigpit na hawak ng binata sa bewang niya. Kinakabahan man ay napanatag naman ang loob niya.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...