⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Ysabella Mari"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"THEY'RE here." Kalmadong bigkas ni Leland sa dalawang salitang nagpatalon ng puso ni Maribella. Halos hindi niya maikilos kahit pagtaas lang ng kanyang kamay para tutupin ang bibig sa pagkabigla.
Eto na naman ang pamilyar na damdamin na lumulukob sa kanya sa tuwing inaatake siya ng matinding kaba na nahuhulog sa irasyunal na pagkatakot at ang kasunod ay ang paninikip ng kanyang dibdib. Resulta, hinahabol niya ang kanyang hininga at nabablangko ang kanyang utak.
"Bella, my love." Narinig niya ang pagtawag ni Leland sa kanya pero hindi niya maigalaw ang kanyang leeg para mag-angat ng tingin sa binata, nanlalabo din ang kanyang paningin.
"My love. My love. Hey, Bella. Look at me, my love." Sunod-sunod na tawag ni Leland sa kanya.
Naramdaman pa niya ang banayad na pagyugyog nito sa kanya. Ang problema nga ay hindi siya makagalaw, hindi siya makakilos. Dati naman ay nagagawa niyang bawiin ang takot kahit papaano para makapag-isip ng konti, pero hindi ngayon. Itong nangyayari sa katawan niya ngayon ay bago ito sa kanya.
"Gomez! Villa 7! Now!" Mas lalo siyang natatakot ngayon. Naririnig niya ang sinasabi ni Leland, ang takot na naririnig niya sa boses nito, pero hindi nga siya makakilos. Hindi maintindihan ng motor senses niya ang inuutos ng utak niya.
Wala pang isang minuto ay humahangos na pumasok si Ishmael. Natigilan ito sa may pintuan, muntik pa itong madulas. Mabuti na lang at nahuli kaagad ni Ishmael ang sarili.
"Anong nangyari sa kanya?" Mabilis nitong tanong. Naririnig lahat ni Maribella ang nangyayari, makikita din niya, wala nga lang siyang magawa, para siyang natulos o naistatwa.
"I think she's in shock, Ish." Bigkas ni Leland. Shock? I'm in shock? Why? Naisip niya.
"Forgive me, Dave." Sabi ni Ishmael at walang sabi-sabing sinampal nito si Maribella.
"What the..." Nagulat si Leland sa ginawa ni Ishmael. "What the hell, Ish?! Why did you slap her?" Narinig niya nag galit sa tinig nito.
Yun lang yata ang hinihintay ng sistema ni Maribella. Napahugot siya ng mabilis, malalim at maragsang paghinga bago pa siya muling nakakilos. Tinitigan niya si Leland at Ishmael bago pa siya napaiyak.
"D-dave?" Tawag niya sa binata. May kalabuan man ang kanyang paningin dahil hilam ito sa luha ay ayos lang, kilala niya ang mga boses nito at ganun din si Ishmael. "W-what happened? What's going on? Where are they?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Nagulat na lang si Maribella nang basta na lang siya yakapin ni Leland.
"Wear this." Iniabot ni Ishmael ang military issue civilian jacket ni Sarah sa kanya. Alanganin niyang inabot ito. "And this." Tintigan niya ang inilalahad ng kamay ni Ishmael. Nilingon muna niya si Leland, bingyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
"Para saan ang mga ito?" Tanong niya. Nilingon ni Leland si Ishmael, bahagya itong tumango. Nagtataka man siya ay naghintay siya ng isasagot nito.
"Starting today, Sarah is you and you don't exist." Napaatras siya. Kung hindi siya hawak ni Leland baka natumba siya, nanlalambot ang mga tuhod niya. "That watch will save Dave and everyone the time to find you if things get messy." Dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romans⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...