⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Tama Na"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"AKO." Sabay-sabay na napalingon silang magkapatid sa nagsalita.
"Anong ginagawa n'yo dito?" May himig katarayan niyang tanong.
Tumitig lang ang babae sa kanya. Hindi ito nagsalita, patagilid itong umupo sa gitna ng mahabang sofa, komportableng isinampay ang isang braso sa sandalan at dumikwatro.
Bumunot ng malalim ngunit malumanay na paghinga si Maribella. Muli, pilit na kinakalma ang sarili. Kilala niya ang babaeng ito. Minsan na niyang nakita ito sa isla noong bata pa siya. Alam niya kung ano ang koneksyon nito sa kanila at sa isla.
"Sky, paki tawag si Daddy. Pakisabing may bisita siya." Malakas ngunit malambing niyang utos sa pinsan.
"10-4. Ate." Sagot naman nitong nakangiti ng malapad at may pagsaludo pang kasama. Napailing siya. Karamihan sa mga tao dito sa isla ngayon ay nahahawa na sa mga bisitang sundalo.
"Maganda kang talaga, Maribella Grace." Puna ng babaeng hindi niya maintindihan kung nang-iinis ba o nambubwisit, maaga pa para sa utuan. "Hindi ako magtatakang hibang na hibang ang anak ko sa iyo." Dugtong pa nito sa nakakapanindig balahibo. Gusto na namang manghina ni Maribella.
Inilibot niya ang tingin sa paligid, para maiiwas ang paningin sa babae at para na rin makita kung nandito ba ang asawa, nagmasid siya, nakiramdam. May mga kasama itong nakakakilabot kung makatingin na mga lalaki.
Ayan na naman ang pakiramdam ng hindi makahinga. Mabuti na lang at nasulyapan ang si Renato sa di kalayuan, nakapagbigay ito ng kaunting kaginhawaan sa kanya.
"Conquer your fears." Narinig niyang sabi ng boses ni Ishmael sa kanyang isip. Minabuti niyang magaan na pumikit at malumanay huminga, nilasap ang sariwang hanging naglalabas-masok sa lobby at magaan ding bumuga.
Ilang beses niya rin yung ginawa. Nang masigurong kalmado na ang sistema niya ay matapang na humarap sa babaeng bisita.
"Ano po ang kailangan n'yo?" Tanong niya dito, direkta at may tiwala sa sarili.
Ngumiti lang ang babae at tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Naaasiwa man siya sa tingin nito ay nakipaglaban pa rin siya ng titig dito. Sabi nga ni Ishmael:
"Control your fear."
"Face your fear."
"Conquer your fear."
Malinaw ang boses ni Ishmael na naglalaro sa kanyang isip. Para itong nasa likod lang niya habang sinasabi ang mga katagang ito sa kanya.
"Kaya mo yan, Gracie." Pagpapalakas niya ng sariling loob, napangiti siya.
Nagpapasalamat siyang nakilala niya ang mga sundalong ito na naging kaibigan na rin niya at asawa pa nga ang isa, ang leader ng team na ito. Malaki ang naitulong nila sa kanya.
"Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo ng asawa ko, Mrs. Gamboa." Pabigla-bigla sabi ng himig na sumulpot sa kaliwa niya.
Pamilyar sa kanya ang tinig nito, may gaan kahit may diin, lalo na sa pagbanggit nito ng pangalan ng kaharap, may lambing sa salitang asawa.

BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...