LUS 2

325 35 36
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️

🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Furious"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"N-no. I-I'll stay here." Mahina at halos pabulong ng sabi ng babae na nagpabalik sa kanya sa mas kalmadong estado. "I-I'll stay here... w-with him." Paglilinaw nito kay Tolentino at mahigpit itong humawak kay Leland.

Parang sumikdo ang puso niya sa huling sinabi ng babae. Bahagya siyang tumango kay Tolentino na naintindihan naman kaagad ng kaibigan at hindi na nangulit pa o nanukso man lang.

Hindi niya alam kung bakit pero parang nataranta ang puso niya at nagdiwang ng sabay nang hindi ito sumama kay Tolentino.

Iba ang dating ng boses nito sa kanya. Inisip na lang niya na dahil pa rin adrenaline rush kaya ganito ang kanyang nararamdaman.

"Sir, can we please have her lay down here? Kailangan po niya ng first aid." Sabi ng babaeng first responder.

"Miss, will you go with her?" Malambing niyang tanong sa dalaga.

Alam naman niya ang pangalan nito dahil nga sa initial contact niya sa pamilya, Bella ang naalala niyang tawag ng pamilya sa dalaga, ngunit mas pinili niyang miss ang itawag dito.

Hinaplos niya ang buhok nito. Para ding may humaplos na kung ano sa puso niya. Tumango naman ito at bahagyang kumalas ng yakap sa kanya ngunit sa kamay naman niya ito humawak.

Napatingin siya sa mga kaibigang natitira pa. Nakangiti ang mga ito ngunit hindi naman nanunukso at isa-isang nagkibit ng mga balikat, tumalikod para harapin ang mga ginagawa.

Pero syempre, pilit lang na ikinubli ng apat ang kalokohang nabubuo sa utak ng mga ito ngunit hindi talaga kinaya kaya tumalikod na lamang ang mga ito at napabungisngis.

Nakatayo ang apat niyang kasama malapit lang sa kanya kaya kahit papaano ay narinig niya ang mga ito.

Nilingon niya ang apat at pinanlisikan ng mata. Mabilis namang tumahimik ang mga kudang-kudang at bahagya nang lumayo.

Nakuha na ng mga pulis ang mga kidnapper. Habang hila ng mga pulis, nagbanta pa si Cliff na babalikan niya ang babae at ang pamilya nito at isusunod siya nito. Walang emosyon niya itong tinitigan.

"You can not come out alive, Cliff. Not even your father can bring you out of where you will be sent to." Malamig niyang pahayag dito at tinalikuran na niya.

"Babalikan kita, kasama ng pamilya mo!" Sigaw nito ngunit napaigik na lang.

Dumapo pala ang mala-bakal na kamao ni Benedicto sa sikmura ni Cliff. Napangisi siya. I will make sure you stay in hell where you belong.

"Miss, dito ka." Narinig niya ang malumanay na pakiusap ng first responder sa dalaga. Tumalima naman ito sa pakiusap ng responder, ngunit nakahawak pa rin ito sa kamay niya. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Miss, eto yung kumot. Ibabalot ko ito sa iyo para hindi ka lamigin, okay?" Tumango itong muli at hinayaan na ang responder na balutin siya ng kumot. Pero nung kukunin na sana ng responder ang jacket na suot nito hindi nito ito binitawan. Mahigpit ang kapit nito doon.

"Sir, ayaw pong bitawan ang jacket n'yo, eh." Sabi nito.

Nahulaan ng responder yun dahil sa kapareho ito ng suot ng mga kasama niya. Kita rin sa mukha nito ang pag-aalala.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon