⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Let Her Go"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
NAG-UUMUSOK ang ilong ni Maribella na sinugod si Leland sa Wendy's Stage. Napaatras ang mga lalaking nagkakakulumpon para sana sa gagawing meeting bago matapos ang araw na ito.
Ganito naman sila, meeting sa umaga, meeting sa tanghali, meeting sa gabi. Para bang sinisiguro nila o inaalam nila ang mga nangyari o nangyayari minu-minuto, oras-oras.
"LELAND DAVID SCOTT!!" Sumabog ang malakas na pagtawag ni Maribella sa binatang sundalo.
Walang kapitan-kapitan sa kanya ngayon, walang ranggo-ranggo. Galit siya ngayon at tutusukin niya ang mata ng lalaki kapag nagkamali ito.
"Holy shit, Dave! You're baby dragon is fumming." Natatawang panunukso ni Renato na tinapunan lang ng matalim na tingin ni Leland. Nag-peace sign itong tumatawa pa rin.
"Oh damn, Dave! What did you do?" Tanong ni D'angelo na ngingiti-ngiti, bahagya pang umatras.
Nagkibit-balikat si Leland dahil hindi nito alam ang nangyayari at nakangiting hinarap si Maribela.
"Hi, my love. What's going on? Who made you mad?" Tanong ni Leland na kita naman sa mukha ang kaba.
Natawa ang mga kaibigan ni Leland pati na rin ang mga kapatid ni Maribella na sumunod pala sa kanya.
Turo ng Daddy nila, wag mag-overthink sa maaaring dahilan ng ikinagagalit o ikinapagtatampo ng mga mahal nilang babae.
Mabuting harapin ito ng maayos, kalmado, may ngiti at walang halong pagsisinungaling. Kung mali ka, mali ka. Tanggapin ito, ihingi ng tawad at ituwid ang mali.
Kailangan ang pagihing matapat at palaging ipangako sa sariling wag nang uulitin o mas mabuting iwasan na lang na maulit na muli, kung ano man yun. At yun ang gagawin niyan, mali man siya o hindi.
Kita ni Maribella ang pagbubulungan ng mga hudyong mga kaibigan ng binata ay ang mas nakakapagpaaburido pa ay kasama pa ang mga kapatid at pinsan. Di bale, ibibitin niya ng patiwarik ang mga ito, ibibigay kay Manoy Celso para ipakain sa mga alimasag sa laot.
"Who made you mad...
LECHE!!!" Mabilis na sagot ni Maribella sabay talikod. Nandilat ang mga mata ni Leland.Nilingon niya si Iggy at D'angelo pati na ang dalawang kapatid ng kasintahan, nalilito, nanghihingi ng tulong. Nagkatinginan ang mga watsinanggo at tumatawang umiling.
"Anong nangyari doon?" Tanong niya sa mga ito. Sabay-sabay na nagsipagkibit-balikat ang apat na parang choreograph na choreograph. Napapakamot na lang ng sentido ang binatang sundalo.
"Oh crap! You're on your own, Captain." Natatawang turan ni Iggy.
"Bahala na kayo sa meeting, kaya n'yo na ito. Kung ngayon ay umusok pa lang ang ilong nun, baka mamaya ay apoy na ang ibubuga nun sa akin kapag hindi ko pa sinundan at inamo." Pahayag ni Leland at tinalikdan na ang mga kasama. "Huy, planuhin n'yo ang pagpapalit." Dugtong pa ng binata bago tuluyang umalis.
"Saan siya nagpunta?" Lingong-tanong ni Leland sa mga kapatid ni Maribella. Sabay-sabay na itinuro ng dalawa ang direksyong papunta sa villa ni Maribella.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romansa⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...