⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Can I Just Die?"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"NASAAN si Leland?" Tanong ni Richard sa mga binata.
"Umalis po Tito. Hinahanap yata ang anak n'yo." Pilyong sagot ni Renato.
"Sinong anak, eh nandito itong dalawang siraulong ito..." Biglang natigil si Richard. Tinitigan ng maigi si Renato. "Bella Grace?" Paniniguro niya.
"Bakit Dad, maliban ba sa aming tatlo meron ka pang ibang anak?" Nataas ang kilay na tanong ni Wenard.
"Oo nga, Dad. Is there anything we should know?" Sabat naman ni Robby.
Napakurap-kurap ng mga mata si Richard. Napatingin din ang limang tinyente at tatlong sarhento kasama na ang anim na nakatali na ngayon ay gising na.
"Mga tarantadong 'to. Nagtatanong lang para masiguro ko!" Inambahan ng bigwas ni Richard ang mapanuksong mga anak. "Kapag narinig kayo ng Mommy n'yo, paniguradong magwawala at mawawala na naman yun." Malungkot na pahayag ni Richard.
"Ang gwapo n'yo po kasi sir." Sabat ni Joselito. Mapait na ngumiti si Richard.
"Sorry, Dad." Nauna si Robby na humingi na paumanhin sa ama.
"Nagbibiro lang naman kami Dad, para kasing ang bigat ng mga nangyayari ngayon." Napayuko si Wenard.
Sa tatlong de Santino, si Wenard ang pinaka makulit, mabiro at easy-going. Si Robby ang bookworm, palaaral 'ika nga kahit na pare-pareho silang matatalino. Si Maribella naman yung palaman sa gitna ng dalawa, palaaral at makulit. Nag-iba lang ito nang mangyari ang hindi dapat na mangyari.
"I know. But please, do not joke with something like that dahil sigurado na tayong tatlo ang ibabala ng nanay n'yo sa kanyon." Saad nito. Natawang lahat ng naroroon maliban sa anim na bihag.
"Mr. de Santino, pwede po bang pakawalan n'yo ako dito?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita.
"Bakit Emielbert? Bigyan mo nga kami ng isang matibay na dahilan kung bakit ka nila pakakawalan?" Galit na turan-tanong ni Robby, nakaturo sa limang sundalo. Salubong ang mga kilay nito at namumula ang mga mata.
"Hindi naman ako kasama ng mga ito." Mayabang pang sagot ni Emielbert. Natawa si Wenard.
"Alam mo, simula pa nung una ka naming makilala, mayabang ka na, hanggang ngayon pala ganun ka pa rin?" Naiiling ang binata.
"Bakit ba kasi ako dinaluhong ng mga ito?" Masama ang tingin nito kay Arkady.
Sa lahat ng nakatali at napapaligiran ng alagad ng batas, ang isang ito ang hindi marunong mangilag.
"Bakit din naman kasi dinaluhong mo si Gracie kanina?" Sambot ni Arkady. Gigil pa rin sa binata.
Napangiti si Renato sa pananagalog ni Arkady. Mabilis pumik-ap ang binata.
"Anong sabi mo?" Pumagitna si Richard sa pagitan nila Atkady na nakaharap kay Emielbert. Makikita nila ang paglunok nito ng hangin, tanda na takot ito. "Nilapitan mo ang anak ko? Hinawakan mo siya?" Nagtatagis ang bagang ni Richard, katulad ni Robby, namumula rin ang mga mata nito. Nag-alala tuloy ang limang magkakaibigan. Wala pa man din si Leland.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...