LUS 26

253 36 40
                                    



⚠️ UNEDITED ⚠️



🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"History"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"LOLO! Lola! Hahayaan n'yo na lang bang ganituhin niya si Kuya?!" Halos hestirikal na turan ni Ysa, matalim pa rin ang titig sa kanya. Napangiti lang si Leland. Hindi siya nagsisising sinapak ang matalim na bibig na pinsan ni Maribella.

"Isabella Mari! Pwede ba?!" Saway ng Lola Marisol niya. "At ikaw Luigi Rob, hindi ibig sabihin na pinaka matanda ka sa lahat ay ganyan mong kakausapin ang mga pinsan mong nakababata sa iyo! Babae yan at nasa harap pa ng ibang tao!" Salubong ang kilay at nagsalita si Lolo Sol sa malamig na boses.

"Then who the fuck is he, Lola?!" Pasinghal nitong tanong sa apuhan. Nagpanting ang tenga ni Richard. Wala pang may nagtangkang magtaas ng boses ng kahit na sino sa ina, kahit na siya o maging si Luigi man na ama nito, si Iggy pa lang.

Mabilis na tumayo si Richard, nilapitan ang pamangking sumobra na at isang malakas na sampal ang iginawad dito. Bahagyang pumaling ang ulo ni Iggy pakilwa sa lakas ng pagkakasampal ni Richard. Lahat sila ay nagulat at nasindak, maging si Leland at mga kasama na sanay sa barilan at pagsabog ay nabigla, nagitla, natakot.

Again, sundalo siya ‒ sila. Marami na silang misyon na sinuong, kadalasan ay nakikipagpatintero at nakikipagluksong-tinik pa sila bala, muntik-muntikan na nga silang sunduin ni Kamatayan, pero pagdating sa mga magulang, apuhan at sa Ate Brynn niya, takot siya ‒ sila. Walang biro.

Ngayon masasabi niyang meron nang naidagdag sa maiksing listahan ng taong kinatatakutan niya o mas mabuting sabihing pangingilagan niya o iiwasan niyagn magalit sa kanya. Nilingon niya ang maliit na babaeng nasa tabi niya at lihim na napangiti. Naalala niya ang dalawang beses na pagtataray nito sa kanya. Yup! She scares me, too.

"Ni minsan sa buong buhay namin ni Angel at Luigi, hindi kami nagtangkang pagtaasan ng boses si Mama. Kapag nandilat na ang mga mata niya sa amin, hindi na namin hihintayin pang magsalita siya, tumatahimik na kami at maghihintay na lang ng paliwanag o sermon. Ni minsan hindi namin inisip na magtaas ng boses sa harap niya kahit sa paliwanag man lang o simpleng tanong." huminga it ong malalim, pilit kinakalma ang sarili pero hindi nito nagawa. 'Not once in my 62 years of life, Iggy, have I heard my father raise his voice at her, not even in a joke. Pero ikaw? Ganyan ba ang ginawa ng Canada sa iyo porke doon ka ipinanganak?!" Galit na litanya ni Richards as pamangkin.

"What happened to that boy who loves his Lola the most, Luigi, Teri?! Ganito n'yo ba pinalaki ang panganay n'yo?! Mag-sorry ka sa Lola mo!" Gigil nitong utos, pasinghal at hinihingal sa galit.

"You are being too much on talking down to my daughter." Galit na sabat ni Wendy, Matalim ang nagngangalit na mga mata nakatitig sa pamangkin ng asawa. Hindi nakasigaw pero ramdam ang dagundong nito.

"I have heard a lot, about how you speak to her, Iggy. The Japan trip, the Manila trip, the Tagbilaran trip. Parang hindi babae si Maribella Grace kung kausapin mo. Parang hindi mo siya pinsan. Parang hindi ka duktor para hindi mo maintindihan ang pinagdadaaanan niya." Nanginginig ang boses nitong turan.

"Kasalanan ba ni Maribella Grace ang pagiging biktima ng kidnapping at attempted rape? Kasalanan ba niyang hindi mapigil ang matakot at maapektuhan ang kanyang buhay dahil sa naganap? Hindi mo ba nakikita ang pagpipilit niyang maging normal? Duktor kang naturingan, Iggy, pero parang hindi mo alam kausapin mo ang pinsan mo." Pag-uuli ni Wendy. Mas lalong nanginginig ang boses nito sa mga huling sinabi.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon