⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Do To You"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"ANG makuha si Ysabella Mari?" Matiim na sabat in Iggy. Nagkatinginan ang magpipinsan. Ngayon lang nila napagtanto na mabigat nga ang mga nangyayari.
"Ang makuha si Ate Ysa?" Patanong na pag-ulit ni Mayette sa sinabi ni Iggy. Nilingon ang ibang pinsan, nagkakatinginan sa isa't isa ang mga ito, may takot.
"That's right. Hence the presence of Lt. Fiona Sahara para magpanggap na Ysa. Maliwanag ba?" Inilibot ni Leland ang tingin sa lahat, shock ang makikita sa mga mukha nito.
"Hala ka." Ang tanging lumabas sa bibig ni Brandi. "Bakit?" Wala sa loob na tanong ni Brandi.
"Kasi bulag na umiibig kay Ate Ysa." Galit na sabat ni Vivian. "I'm sorry Ate, pero noon pa man wala akong tiwala sa karakas ng kawayang tuod na yun." Pagtatapos nito at humalukipkip.
"Gagi! Hindi bulag na umiibig si Dustin kay Ate Ysa, baliw." Sabat ni Brandi. "Baliw na umiibig. Kung natatandaan n'yo, lahat ng mapatingin kay Ate sa campus noon, ginugulpi niya o di kaya ay nagugulat na lang tayo, nag-transfer na kasi natakot." Tumango naman si Mayette at Vivian.
"Naalala ko din na kung hindi lang nakikialam si Clifford noon ay nadampot na ng pulis si Dustin dahil ang isa sa mga napag-initna niya ay anak ng general ng Philippine Marines." Sang-ayon ni Maribella. Mabilis na napalingon si Ysa.
"What do you mean?" Tanong nito. Nagkatinginan ang apat na magpipinsan.
"Hindi mo alam?" Gulat na tanong ni Mayette, nilingon pa nito si Maribella. Umiling si Ysa. "Natatandaan mo si Hector Castro, Jr?" Tumango si Ysa.
"Who would not know him? He is a varsity basketball star, tapos yung girlfriend niya, is our campus queen, di ba?" Dugtong ni Ysa bilang pagpapatunay na naaalala nga niya ang lalaki.
"That's right. Siya yung anak ni Gen. Castro. Inalis niya ang kanyang anak matapos takutin ni Dustin at muntik pang mapahamak ang girlfriend niya, mabuti na lang at nadaanan ng nagpa-patrol na mga pulis. Dahil sa nagtanong lang ito ng oras sa iyo." Natawa pa si Mayette sa pag-aalala ng nasabing insidente.
"Tama nga ang sabi ni Ate Brandi, baliw nga." Sabat ni Skyla.
Bahagyang natahimik ang magpipinsan kaya sinamantala nila Leland na ituloy ang mga dapat pang sabihin.
Nagpapasalamat siya sa mga pagsingil at pagsabat-sabat ng mga ito sa usapan dahil mas marami silang natututunan, lalo na siya.
"Tuloy lang ang araw-araw na gawain natin." Salo ni D'angelo. Alam nito kasing hahaba ang panimulang talata ni Brandi na sasaluin ni Mayette o ni Vivian and vice versa. "Amia and Liam, I'd like you two to shadow Sarah. Also, call her Ate Gracie while you're at it. Mai-Mai, Lizzie and Lily, wag kayong hihiwalay kay Sarah na parang katulad ng ginagawa n'yo kay Gracie." Hinarap ni D'angelo ang mga pinsang Mayette, Vivian at Brandi. Hindi naman kumibo yung tatlo na tumingin lang kay Maribella. Napailing na lang si D'angelo sa reaksyon ng mga pinsan.
"Skyla, isama mo si Fiona dahil palagi namang nasa coffee shop mo si Ysa. Robby, paki sabayan palagi ang mga babae nating pinsan na kasama ni Sarah. At Wenard, continue what you do all the time, wag mo lang kakalimutan na silip-silipin ang coffee shop. Pasasamahan ka namin kanila Sonic at Kulot. Ayos lang ba yun sa inyo?" Tanong ni D'angelo sa dalawang Tondo Boys. Tumango at nag-thumbs up ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...