LUS 60

248 34 22
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️



🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Love"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"AKO? Bakit ako?" Inilapat ni Maribella ang palad sa dibdib at salitang tiningnan sila Logan at Lance, may pagtataka, may kaba.

"Bakit si Gracie? Bakit hindi ang Mommy mo, o di kaya kayong dalawa ni Lance?" Tanong ni Wendy. Nagkatinginan sila ni Maribella at Lance, nagkatinginan din ang buong pamilya Scott at Villasis.

"Para naman maiba, Tita." Maagap na sagot ni Majz.

"Oo nga, para pag nagising na si Leland, matutuwa yun na si Gracie ang pumili ng kwarto niya." Sabat din ni Makai. Nag-appear pa ang asawa at hipag. Napailing na lang siya.

"Hala! Sige na. Lumakad na kayo sa admissions." Pagtataboy ni Margaret sa mga ito.

"Baka mamaya eh, ready na pala yang kapatid mo, wala pang kwarto, tapos nagdadaldalan pa tayo dito." Susog naman ng isa pa nilang Lola, si Amanda.

"At least, okay na siya ngayon." Sabat naman ni Wendy sabay upo sa tabi ng tahimik na asawa. "Love, maupo ka na. Hintayin na lang natin sila. Gracie, sige na. Bilisan n'yo na para mailipat ng maayos si Leland." Utos nito sa anak. Umalis na sila.




"LOGAN." Pagtawag pansin ni Maribella sa bayaw nang medyo malayo na sila sa waiting area.

"Yah?" Baling nito sa kanya, nakangiti kahit mukhang pagod at mas maputla pa sa dati.

"Alam na ba ng pamilya mo?" Tanong niyang nasa sahig ng pasilyo lang ang kanyang mga mata, nahihiya.

"Ang alin? Ang tungkol sa inyo at sa pinagkapirmahan n'yo?" Si Lance ang sumagot nang patanong. Nahihiya siyang tumango hindi man lang nililingon ang kahit na sino sa dalawa dahil pakiramdam niya ay pinapatutsadahan siya nito.

"Alam na nila. Nasabi ko kay Daddy sa phone kaninang ipanaalam ko ang nangyari kay Leland." Matapat at magaang na kwento ni Lance. Napabuntong-hinga siya.

"Nagalit ba sila?" Tanong niyang nababanaag ang kaba, pagaalinlangan. Hindi niya kasi mabasa sa kilos ng mga ito kung galit nga ba o hindi ang mga ito. Idagdag pa ang mga magulang ng mga ito, nawala man ang paninisi niya sa sarili, napalitan namang ng pagkaasiwa.

"Hindi. Never na magagalit ang mga parents at grandparents namin, nanenermon but not getting mad. Ipinaliwanag ko sa kanila ang naging desisyon n'yo ni Leland." Sagot ni Logan. "At bago pa kami pumasok sa waiting area kanina ay naikwento ko na kanila Dad ang nangyari sa isla, they know that it wasn't your fault. Things happen, ganun." Dugtong pa nitong nakangiti.

"Ganun din ang ginawa ko kanila Tito Richard at Tita Wendy. I explained what happened sa isla and they understood naman. Ayoko lang na mag-alala sil,aat baka sisihin din nila nag sarili nila sa nangyari kay Leland, katulad nitong si Gracie, na wala naman sa ating ang may kontrol sa mangyayari at nangyari." Paliwanag din ni Lance. Nakaramdam siyang kaginhawaaan kahit na naroroon pa rin ang kaba at pag-aalinlangan.

"Sana ganun ka rin. Gracie. Sana, wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari. Kung tutuusin, nandun ka man o wala, palagay ko ay mangyayari pa rin yun. Naghahanap lang ng pagkakataon yung dalawa. Eh nagkataong nakakita sila ng tyempo, they grab it." Mahabang pahayag na may kasamang paliwanag ni Logan.

"Maniwala ka man o hindi, ilang beses nang nabingit sa kamatayyan ang kapatid namin. He saves others without hesitation and because of that, sometimes his life gets put on the line. Ayon sa mga kwento nilang magkakaibigan noon, nababaril sila sa pagliligtas ng mga biktima, minsan naman, nadadaplisan sila ng ligaw na bala dahil sa business gone wrong ng ." Si Lance uli ang sumalo. Salitan ang pagkukwento ng dalawa.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon