LUS 54

230 34 32
                                    









⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Plano"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍









"GRACIE, magtapat ka nga sa akin." Matiim ngunit malambing na turan ng Ate Ysa niya.

"A-ano yun. Ate?" Kinakabahan niyang tanong dito.

"May nangyari na ba sa inyo ni Capt. Scott?" Napanganga siya sa tanong ng kanyang Ate Ysa.

"Ano ba namang tanong yan, Ate Ysa?" Alam niyang namumula na ang mga pisngi niya dahil nag-iinit ito. Mabuti na lang madilim at hindi gaanong kita ng Ate niya.

"I know that I have no room to talk nor advice you on that matter dahil hindi rin ako naging maingat sa sarili ko, pero isa lang ang masasabi ko sa iyo bilang Ate mo, kahit na ano pang mangyari, nandito lang ako. Hindi ako tatalikod sa iyo this time, kahit na ibitin pa ako ni Kuya Iggy ng patiwarik sa pinaka mataas na poste ng Boheco dito sa Bohol." Natawa siya sa sinabi ng Ate niya. Hindi niya akalain na makulit din pala ito.

"Don't worry Ate. Now I know na madali ka palang kausap, I will keep that in mind." Sumandal siya sa balikat ng Ate niya nang umakbay ito sa kanya. Hindi man direkta sinagot ang tanong ni Ysa ay alam naman niyang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.

Tahimik ang buong paglalayag nila sa kadiliman ng gabi. Ang bawat isa ay nagdadasal na sana ay makarating sila ng maayos at ligtas. Maya-maya lang ay tahimik na ang lahat.

LAMPAS hatinggabi, sa kabilang panig ng isla, Nagkukumpulan ang magkakaibigan. Nagpaplano ng pwedeng gawin.

"Dave, I got a message from Fiona." biglang nagtaasan ng tingin ang lahat at napatitig kay Mikael.

"Anong sabi? Nasaan siya?" Tanong ni Abner.

"It' wasn't to make out of, kasi nga mahangin at parang bumubulong lang siya." Pahayag ni Mikael.

"Nakuha mo ba ang coordinate kung nasaan siya?" Tanong niya. Alam naman niya kung nasaan ang dalaga pero mas gusto pa rin niya ang makasiguro. Vital yun sa gagawin ilang pagsalakay mamaya.

"She sent us this coordinates, 10.224916N latitude, 124.573660NE longitude." Sagot ni Mikael.

"Let me see?" Maingat ngunit mabilis na inagaw ni Arkady ang cellphone ni Mikael.

"Hey, it's not far from here." Excited na bigkas ni Arkady.

"Papaano niyang naipadala ang coordinates na yan?" Tanong ni D'angelo.

"She somehow manage to turn her chip/" Malapad na ngiting sagot ni Arkady.

"Ano pa ang hinihintay n'yo?" Salubong ang kilay na sabi ni Ishmael.

"Dave, her hound is alive." Bigkas ni Abner.

"Good. Things are working in our favor." Bigkas naman niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil kahit papaano ay nalaman nilang hindi pa nailalayo ang kaibigan.

"I told you." Nakangiti at puno ng pride na turan ni Sarah. "Hindi hahayaan ni Fiona na hindi natin siya matunton. Maaaring ginawa niya yun para lumabas at paniwalaan siya ng mga kumuha sa kanya na siya nga si Ysa." Tumango-tango si Leland.

"I never doubted Fiona. Gusto ko lang malaman kung bakit niya pinatay ang Hound gayung pwede naman niyang i-silent lang." Wala kay Sarah ang mga tingin niya kundi na sa tablet na binubutinging ni Arkady at Mikael.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon