LUS 15

258 37 30
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Coincidence"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







"MOM and Dad will probably marry you off para mawala na yang takot mo!" Sabat ni Wenard sa pintuan. Sabay-sabay silang napalingon sa pinto. Biglang sulpot ng niyang baliw ka-triplets.

"WHAT?! MARRY ME OFF?!" Binato niya ito ng kutsarita, sapol sa braso dahil kung ano-ano ang sinasabi nito.

"Aray ko naman!" Paghimas nito sa brasong tinamaan. Napalakas siguro ang pagkakabato ni Maribella ng kutsarita dito.

"Buti nga sa'yo." Tatawa-tawang sabi ni Robby. "Gago ka kasi. Kung anu-ano ang sinasabi mo." Dugtong pa nito na may kasamang sapak sa balikat.

"Hala! Grabe silang dalawa. Tag team kayo? Pagtulungan ba ako?" Hinihimas nito ang pinagsuntukan ni Robby at ang tinamaan ng kutsarita ni Maribella.

"Wag ka kasing ano!" Singhal ni Maribella.

"Si Kuya Wenard talaga kahit kelan, ang kulit." Natatawang komento ni Skyla na nagtuloy lang sa pag-inom ng kape.

"Lighten up, okay?" Sabi nito. "Take a little joke sometimes, will you? Sa palagay mo ba basta-basta ka na lang ipakakasal nila Mommy at Daddy kung kani-kanino lang? Low IQ lang? Kayong dalawa nitong si Robby ang baliw." Dugtong pa nito. Natawa tuloy silang dalawa ni Robby dahil sa inis na nakikita sa mukha ni Wenard.

"Oo na. Tayong tatlo na ang baliw." Inakbayan niya si Wenard na nakasimangot, halatang inis pa rin.

"Tara na." Kabig niya sa kapatid. "Skyla, ikaw na nag kumain niyang dala ng Kuya Robby mo." Tumango ito at ngumiti. Umakbay na si Robby sa kanya.

Ang siste, palaman na naman siya ng dalawang kapatid. Mas lumapad ang ngiti niya, masaya siya.

"Ang arte mo, Wen." Natatawang sabi ni Robby sabay kutos dito.

"Gago ka kamo, Rob. Bakit may kutos?" Tanong nitong sinabayan din ng kutos sa kapatid.

"Tumahimik kayong dalawa dahil kung hindi, itutulak ko kayong pareho dito sa hagdan!" Pagbabanta niya sa magkabilang baliw.

"Sige, sis. Itulak mo kami." Mapanuksong turan ni Wenard. Ito ang pinakamaloko sa kanilang tatlo.

Handa na niyang itulak ang siraulong kapatid nang biglang nagsalita si Robby.

"You know that if you push him, you and I will be rolling down these stairs with him, right?" Natigilan siya. Tiningnan ang proma nilang tatlo. Naparolyo ang kanyang mga mata nang makita ang ipinupunto ni Robby.

"Asshole!" Pabulong niyang singhal kay Wenard. Tumawa ito ng malakas.

"Hay... what a word to hear from her." Mas lalo silang nagkatawanan.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon