LUS 39

245 27 31
                                    

⚠️ UNEDITED ⚠️







🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Plan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍









"DAVE. ABE." Umalingawngaw ang boses ni Renato sa transponder na nakapatong sa ibabaw ng lamesita. Pareho silang napatingin sa isa't isa at sa lamesitang kinapapatungan nito.

"Dave here." Maagap na sagot ni Leland. Hindi rin natiis ni Leland na hindi i-on ang earpiece nito. Hindi rin kasi siya mapakali pero hindi naman niya maiwan si Maribella kaya nagkasya na lang siya sa pakikinig buong araw.

"I need you both." Mabilis na saad ni Renato. Lihim niyang sinulyapan si Abenr. Bahagya itong yumukod.

"Coming." Sagot niya. "10-23?" Dugtong ni Leland.

"I sent the 23's coordinates to Private Hound." Nagkatinginan sila ni Abner. Nagsasalita na si Renato in codes, ibig sabihin, may nangyayari o may importante itong kailangang iparating sa kanila, privately. Tinambol ang dibdib niya.

"Please call Wenard and Robby, my love." Malambing nitong utos sa kanya. Sabay hawak sa kamay ng dalaga na nagpaigtad dito.

Tinitigan niya ito. Inaarok kung ano ang ibig sabihin ng pag-igtad nito. Kalmado naman ang mukha ni Maribella maliban sa pinamumulahan ito ng pisngi, nag-alala siya.

Naging malapit sa sila isa' isa mula kanina, lihim siyang napangiti. Iisa lang ang nasa isip niya, matapos ang gulong ito, mamanhikan na sila.

"Are you okay, my love?" Tumango lang ang dalaga. "Aalis muna kami ni Abner, babalik din ako kaagad." Paalam niya dito, tumango uli itong walang kibo.

"Nag-text na ako kay Wenard at Robby." Sabi ni Ysa.

"Thank you, Ysa." Pasalamat niya sa pinsan ni Maribella. Tumayo siya at kinuha ang baril at naghanda na. Ganun din ang ginawa ni Abner kahit na kanina pa handa.

"Ano balita?" Bungad ni Robby. Hawak pa nito ang susi sa kanang kamay.

"Tinatawag kami ni Renato, may pagme-meeting-an yata kami." Magaan niyang sagot sa kapatid ni Maribella. "PWedeng pakisamahan sila dito, babalik din ako kaagad." Dugtong pa niya.

"No problem." Mabilis na sagot ni Robby.

"You got it, Bro." Sagot din ni Wenard.

Nilingon ni Leland si Maribella at Ysa, nag-uusap yung dalawa. Tinanguan niya si Abner, yumukod naman ito bilang pagtanggap ng lihim niyang mensahe.

Mabilis ang pareho nilang kilos at inabutan ng baril ang magkapatid. Nagkatitigan sila ni Robby at bahgya lang itong yumukod. Ganun din si Wenard kay Abner.

"Please make my wife safe till I return." Napaatras si Robby sa ibinulong niya at tinitigan siya nito. Isang matiim na titig din ang iginanti niya sa binata. Ngumiti ito ng malapad at sumagot.

"You got it, Bayaw." Napangiti siya. Hindi niya alam kung narinig ba ni Wenard ang sinabi niya.

"Let's go, Abe." Pag-aya niya kay. Bago pa man siya tuluyang umalis ay nilingon pa niya si Maribella. "I'll be back, okay?" Tumango ito, hinalikan niya sa labi ang dalaga at umalis na. Sumunod naman sa kanya si Abner.

Location: 300 yrds NE resort lobby. Be careful.

Yan ang message na nabassa nila ni Abner paglabas ng villa. Nilingon pa niya ang villa, kinakabahan, natatakot.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon