⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Tunnel"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"We have a kid?!" Tanong nito. Mabilis na napalingon si Ysa, napatuwid naman ng upo si Maribella.
"Abe..." Sinalubong ng galit na mga mata ni Abner ang mga kinakabahang mata ni Ysa.
"What's his name?" Tanong nito, seryoso at matiim. Napalunok si Ysa.
"A-able N-nero." Nauutal na sagot nito.
"Bakit?" Simpleng tanong ni Abner na nagpaumid lalo ng dila ng dalaga. Nawala ang dating tapang at taray nito ngayong nalaman na ni Abner ang tinatago.
"Umupo tayo doon." Turo ni Leland sa dulo ng building ng PNB.
Sa dulo nito, sa likod, ay may maliit na tennis court, tamang-tama at wala pang mga tao dahil hindi pa labasan ng mga estudyante at nag-oopisina sa kapitolyo.
Tumalima naman ang mga ito. Nakaalalay lang si Maribella sa pinsan na sinundan niya habang si Abner ay nagpahuli sa kanila.
"Abe?" Lingon ni Leland sa kaibigan nang mapansin na bumabalik ang lakad nito parang nagpapahuli.
"Okay lang ako. Just go, I'm behind you." Sabi nito. Hindi na niya ito pinilit pa, naglakad na lang siya pasunod kay Maribella at Ysa.
Nang makarating sila sa loob ng tennis court, inilinga ni Leland ang mga mata. Sinisiguro na walang ibang tao na naroroon. Nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang nakitang iba kundi sila lang.
"SPEAK." Seryosong bigkas ni Abner. Pinaupo ni Maribella si Ysa at tinawag na ito ni Leland.
Nilingon niya si Leland at Maribella kung saan pupunta ang dalawa. Tahimik lang ang mga ito na umupo sa di kalayuan. Nakahinga siya ng maluwag at tahimik na nagpasalamat na hindi ito gaanong lumayo.
Binalik niya ang tingin sa dalagang kaharap, nakayuko lang si Ysa, walang kibo.
"I'm waiting." Pagsasatinig niya. Nag-angat lang ito ng tingin, salubong ang kilay.
"Nagmamadali?" Pagtataray pa nito.
"Galit? Ysabella Mari de Santino, hindi uubra sa akin ang taray mo ngayon. Galit ako at wag na wag kang magkakamali na magsinungaling sa akin. Sisilaban kita ng buhay!" Sabi niyang may pagbabanta, para namang naumid ang dalaga.
Pinipigilan ni Abner ang sariling na wag magalit simula nang marinig ang lahat ng sinabi nito kanina kay Maribella, dahil una, wala siyang alam sa hirap na pinagdaanan ni Ysa.
Pangalawa, kahit saang bansa sa mundo, ang batas ay halos pare-pareho. Hindi sila kasal ni Ysa para magkaroon siya ng karapatan na maging bahagi ng pagbubuntis nito kung ayaw nga yun ni Ysa.
Napahugot siyang malalim na paghinga at malumanay na ibinuga,magaan niya yun para ma-relax at wag magalit. Kahit naman ba hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa anak nila, babae pa rin ito, hindi dapat sigawan.
"Nagbuntis ka, pero hindi mo naisip na tawagan ako matapos kitang iwanan ng lahat ng impormasyon ko dahil alam kong maaaring mangyari ito?!" Panimula niya. Hindi pa kumibo si Ysa, yumuko ito.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...