LUS 65

296 37 44
                                    





⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Hopeless"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





ILANG sandali pa at sana isla na sila. Hindi sila mapaghiwalay ni Leland. Hindi alam ni Maribella kung siya ba ang clingy o ang asawa.

Nang sumagi sa isip niya ang salitang asawa, isa lang ang naisip niya, paano niya ngayon haharapin ang mga magulang. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa sarili. Parang hindi siya tinuruan ng asal ng mga magulang. Nawala lang ang takot niya sa estranghero at lalaki ay para na siyang mauubusan at nagpakasal talaga bigla nang hindi man lang nagpapaalam.

"Ready?" Nagulat pa siya sa biglang pagsasalita ni Leland sa tabi niya. Nilingon niya ito na parang hindi naiintindihan ang sinabi o tinanong nito.

"Huh?" Gusto niyang bawiin ang kanyang naging reaksyon sa bilgang pagsasalita nito pero huli na. Pakiramdam tuloy niya ang tanga niya.

"Mi Bella, are you okay?" Mahinang tanong ni Leland. Naririnig niya ang pag-aalala sa boses nito.

Paano ba namang hindi siya magiging mahina at marupok kung ganito ng ganito ang lalaking ito sa kanya. Kung ano ang tinapang nito klase ng sundalo ay siya namang kinalambot nito sa harap niya.

Hindi sana siya maniniwala na natural na nito ang ganitong ugali kung hindi niya nakita, first hand, ang dalawa pa nitong ka-triplet at ang Kuya nitong si Ethan. Maging ang ama at mga Lolo ni Leland ay ganito, prang Daddy niya at mga tiyuhin niya.

Kinalakhan niya rin ang ganitong tanawin mula sa pamilya na akala niya ay sa mga lalaki lang ng pamilya niya makikita dahil sa muntik niyang naging masamang karanasan sa kamay ng lalaki.

Akala niya talaga sa lahi niya lang merong mga ganitong klase ng lalaki, mabuti na lang talaga at nakilala niya si Leland.

"Hey. you seemed out of it?" Napalingon siya kay Makai na nasa tabi na rin pala niya at nasa kabila nit osi Logan, nakaalalay.

"Ate Gracie!" Hindi pa man siya nakakasagot ay may tumawag na sa kanya mula sa likuran. Mabilis niya itong nilingon.

"Sky? Saan ka galing?" sinilip pa niya ang direksyong pinaggalingan nito. Nilingon din nito ang pinanggalingan.

"Uhm... diyan lang. Tinakasan ko lang si Ate Amia at yung Israeling ewan." Sagot nito. Halata ang pagkaaburido at pagkairita. Napangiti siya.

"Ano ang ginawa sa iyo ni arkady?" Matalim na tanong ni Leland kahit kalmado itong nagsalita. Huminga ng malalim muna si Skyla bago magsalita. Halatang pinipili sa isip kung paanong sasagutin si Leland.

"Paano, kahapon pa siya nito binibigyan ng bulaklak." Napalingon si Maribella sa kaliwa niya.

"Yam-Yam, Loloy? Yan-Yan?" Nagulat pa si Maribella nang makitang kompleto ang kambal na si Lyle at Lloyd at ang nakababatang kapatid nito na si Liam.

"Anong ginagawa n'yong dalawa dito? Di ba dapat nasa Davao kayo?" Nagugugluhan siya dahil kahit kelan hindi napupunta sa isla ang kambal lalo pa't nasa kalagitnaan ng taon, masyadong maraming trabaho sa skwela dahil sa pagma-masters ng mga ito, maliban kay Liam na nasa Cebu lang nagma-masters ng systems technology at lingguhan kung umuwi sa isla.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon