LUS 24

270 40 35
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Am I In Love?"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍




Mula ng sandaling maisip ni Leland ang mga katagang yun, mas naging mataas ang alert level niya. Mas naging in tune siya kay Maribella.

Yung dating simpleng kabang nararamdaman niya at halos hindi makahinga ay nag-ibayo pa.

Hindi lang simpleng kaba ang kanyang nararamdaman kundi doble tahip pa na parang kinalabog ng kamao ni Tarzan ang puso niya, pati isip niya ay natutuliro na rin.

Kinalma niya munaang isip panandalian at pilit na pinagtatagpo ang sinasabi nito sa sinasabi ng puso niya, parang biglang may bombilyang biglang nagliwanag... umiibig nga siya. Is this how you fall in love? Tanong niya sa sarili.

"Are you okay there, Apo?" Nag-aalalang tinig ng kanyang Lola Moms ang nagpabalik sa kanyang sarili.

"Dave..." Narinig niyang tawag mula sa kwarto ng dalaga. Hinahanap na siya ni Maribella. May takot sa boses nito kaya mabilis niyang pinatay ang apoy at pinuntahan ang dalaga.

"Bella..." Mabilis niyang binuksan ang pinto. Nakita niyang nakaupo ito sa gilid ng kama at akmang tatayo na. "I'm here. I didn't leave." Maagap niyang sabi.

Para naman siyang natunaw nang ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. Kung maganda na si Maribella sa unang tingin niya, tatlong taong nakaraan at nung makita niya uli ito dito sa isla, mas lalo pa yata itong gumanda ngayon sa kanyang paningin.

Maaliwalas ang mukha nito na parang walang pinagdaanan kagabi. Mala-rosas ang mga pisngi nito at mapupulang natural ang mga labi na parang naka-lip tint palagi.

Nangungusap din ang mga mata nito at para siyang nahihipnotismo. Kakaiba ang ganda ng dalaga sa mga babaeng nakikila niya.

"Are you hungry?" Malambing niyang tanong dito. Bumungisngis ito.

"Hindi kaya ako kumain buong araw kahapon." Sabi nito na tatawa-tawa pa rin. Napailing na lang siya.

"Well, nakasaing na ako, but I failed to cook the sinigang you wanted last night. I'm sorry." Paghingi niya ng paumanhin na nakangiti.

"Hey! There goes your lone dimple again." Wala sa loob na hinaplos ni Leland ang kanyang pisngi. "Di ba, triplets ka rin? Pare-pareho ba kayong may dimple?" Tanong nito, maingat ng tumatayo si Maribella mula sa kama. Inalalayan niya ito.

"Let's go to The Kitchen. I'll introduce you to my family." Aya niya sa dalaga. Iniabot niya dito ang tuwalya. Kinuha naman kaagad ng dalaga nang walang kibo pero ngiti lang. Natunaw ang puso ni Leland.

Leland opened the door a little wider, Maribella walked out of it and was so surprised to see everyone, as in EVERYONE inside her villa's living room. She was like a deer caught in the headlights.


"MOM? Dad?" Nagulat si Maribella sa tumambad sa kanya.

Wala sa loob na nagtago siya sa likod ni Leland. Hindi niya alam kung bakit nandito ang mga ito at bakit ang aga. Hindi niya nakita ng pigil na ngiti ni Leland dahil sa ginawa niya

"Tara na, Sweetheart." Narinig niyang pag-aya ng ama sa ina.

"Robby, Kausapin mo si Manang Nene, pakisabi na magdagdag ng tao sa kusina para mabilis ang pagluluto. Doon tayong lahat sa Wendy's Stage kakain ng hapunan para mapag-usapan na rin ang dapat na pag-usapan." Utos ni Lola Sol.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon