⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Childish"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"W-WHY do you always c-call me my love?" Pag-ulit sa tanong nito kanina. Tinitigang maigi ni Leland ang babaeng tatlong taong gumulo sa isip niya, ang babaeng...
"A-answer me please." Pagsusumamo nitong nagdulot ng mumunting kurot sa puso niya. Napapapikit niya ng madiin bago ito sagutin.
"Isn't it obvious, my love?" Matamis siyang ngumiti dito, labas ang nag-iisa niyang dimple. "I call you my love all the time to remind me that that's who you are to me. And maybe by doing so, mabilis ko nang maamin sa iyo na mahal kita... noon pa." Diretso niyang sagot dito. Nakatitig sa mga mata ng dalaga. Pilit na ipinararating kay Maribella ang katotohanan sa mga salita niya.
"M-mahal mo ako? Noon pa? Paano?" Tanong ni Maribella sa kanya.
"Maaari ngang noon pa, dahil nung makita ko ang litrato mo sa case file at marinig ko ang boses mo, hindi ka na naalis sa isip ko." Matapat niyang sabi. Hindi na siya mangingimi, bakit pa?" Alam niyang kahit na nakayuko ang dalaga ay naririnig ito sa kanya.
Ginagap niya ang kamay ni Maribella nang hindi ito nagsalita, pinisil at ikinulong ito ng dalawa niyang palad. Napatitig siya sa kamay ng dalaga na nanginginig pa rin at halatang may kinatakutan na naman. Naalala niya ang pagpapatawag ni Amia sa kanya kanina.
"May tanong nga pala ako, my love." Panimula niya. Bahagyang nag-angat ng tingin si Maribella ngunit ibinalik din kaagad ang tingin sa mga kamay nila dahil sa lapit nila sa isa't isa. Nakaramdam siya ng pagkadismaya.
"A-ano yung itatanong mo?" May bahagya pang pag-utal na tanong ni Maribella. Nangingiti siyang nag-aalala.
Nakita niya kung paanong matakot ang dalaga, tatlong taon ang nakaraan at narinig na rin niya ang nakakatakot at may pagbabantang tinig nito, maging sa ngayon, sanay na siya. Nakita rin niya kung paano itong magtaray at tumingin ng nakamamatay sa kausap na nakasanayan na rin niya.
Nasaksihan din niya ang pagiging makulit at pagka-bully nito kapag nakagaanan na nito ng loob ang kaharap, katulad ng mga kaibigan niya na ikanatutuwa niya. Ngunit ang hindi niya makasanayang makita sa dalaga ay ang pagiging mahiyain nito na nagbibigay init sa kanyang puso, nagiging delikado siya.
"Bakit nga pala ako pinatawag ni Amia?" Tanong niya. Naramdaman niya sa kamay ng dalaga ang pag-igtad nito na may takot at panginginig.
Nababahala siya at nagngingitngit sa nangyayari. Hindi makontrol ang mga nagaganap. Wala siyang kontrol at yun ang ikinagagalit niya.
"Natatakot pa rin ako, Dave. Paano kung magpakita siya, o sila, uli sa akin at kunin uli nila ako?" Tuloy-tuloy nitong turan, tumulo ang luha. Napabuntong-hinga si Leland, hindi na awa ang naramdaman ngayon kundi galit. Hindi galit kay Maribella kundi galit sa tumawag na yun.
Hindi niya sasabihin sa dalaga na kay Dustin Crane na tauhan ni Cliff ang boses na yun pero pag-iingatin niya ito. Hindi pa buo ang imbestigasyon nilang anim, makuha lang nila ang report na hinihintay paniguradong kikilos sila ng pailalim.
"Hindi ko alam kung paano kang sasagutin sa tanong mong yan dahil ikaw lang ang makakasagot niyan." Sagot niya. "Ano ang gagawin ng isang Maribella Grace kung sakaling makaharap niyang muli ang dumukot sa kanya noon?" Balik tanong niya dito. Hindi ito kumibo.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...