⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Balik-Dati"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"WHO are you?" Hindi alam ni Luigi kung nasa katinuan pa ba ang pag-iisip ng asawa o sadyang naging makitid na lang ang utak nito habang tumatanda. Hindi niya ito papatulan.
"You know what, think what you want to think. Kung hindi tayo tumakbo noon at tumulong tayong hinarap ang lahat ng ito baka walang ganitong nangyari, baka sana ngayon ay maayos ang buhay ng pamangkin ko kahit na ako pa ang maghirap." Ramdam ang pagsisisi sa boses ni Luigi.
"So, mas gusto mo pala ng ang anak mo ang angdadanas ng ganyan?" Napailing si Luigi.
"Baluktot na talaga ang pag-iisip mo, Teresita." Pasinghal nitong saad pero hindi nakatingin ng diretso sa asawa. "Tsaka na kita kakausapin kapag kalmado at maliwanag na yang pag-iisip mo. Kung alam mo lang sana, Teri. Perosa ngayon, wala na akong sasabihin pa sa iyo." Tamalikod na ito, ngunit bago pa man tuluyang makaalis ay nagsalita pa si Teri.
"Bakit Luigi? Ano ang alam n'yo sa nangyari kay Maribella." Sabay silang napalingon. Bumungad sa kanilang dalawa ang salubong na kilay at may galit na kapatid ni Luigi, si Angel, asawa ni Dan.
"Ako, wala. Pero yung pamangkin mong balot ng pundya ni Teri, meron." Muntik nang matawa si Angel sa sinabi ni Luigi.
"Luigi, kilala kita. Alam kong kahit na galit ka dito sa asawa mo ay bibigay ka rin." Nakangiting sabi ni Angel.
"Ate Angel, pwedeng paki tulungang magpa-book itong si Teri. Gusto na niya yatang bumalik ng Canada... ngayon na!" Madiin na sabi nito sabay talikod. Nagtaas ng kilay si Angel.
"Hmm. Galit nga." Puna ni Angel na sinundan pa ng tingin ang kapatid na nag-walkout. "Ikaw, Teri? Ano ang alam mo sa nangyari sa pamangkin natin?" May diin na tanong ni Angel. Hindi nakaimik si Teri, napayuko.
"Advice ko lang, hindi sa lahat ng panahon ay nandyan ka para sa mga anak mo. Darating ang panahon na mawawala tayo, nakakaawang iwanan ang anak na walang kasama sa buhay. Mag-isip ka, Teri." Paalala ni Angel. "Hindi rin sa lahat ng bagay ay maitatago mo ang mga alam mo. Ipanalangin mo lang na hindi malaman ni Wendy na may alam kayong mag-iina dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa inyong magkapatid." Kalmante man ang pagkakasabi ni Angel, halata naman ang kinikimkim na inis sa hipag.
"Ako ang naghirap sa kanila. Ako ang pipili kung sino ang nararapat sa kanila. Ako rin ang pagdedesisyon kung tama ba ang ginawa o ginagawa nila." Turan ni Teri sa mababang boses. Natawa si Angel sa sinabi ng hipag
"Teri. Teri. Teri. Tama ka nga, ikaw ang naghirap, pero sa tingin mo ba hindi rin pinaghirapan ni Wendy iire ang triplets niya? Alam mo yun kung ano ang pinagdaanan ni Wendy dati, nandito ka noon. Susmio Teri, nakakapanginig ka ng laman." Mataray na sabi ni Angel, halatang iritado.
"Alam ng lahat ang paghihirap ng ina sa anak, lalo ka na dahil wala kang kasama noon, pero kaninong kasalanan yun?" Patuloy lang si Angel. Nanggigigil sa hipag. "Inanak mo lang sila pero hindi mo saklaw ang puso at isip ng mga yan. Pwede kang mag-suggest pero nasa kanila ang desisyon. Hindi mo sila pwedeng diktahan dahil lang sa ikaw ang naghirap sa kanila. Para mo namang sinabi na kami ay hindi naghirap sa mga anak namin Teresita." Napabuga ng inis at frustrated na paghinga si Angel, mas lalong hinarap ang hipag.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...