⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"We Will Get Him"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
KINABUKASAN, maaga pa lang ay gising na ang magkakaibigan. Nakahanda na silang umalis ng Dumaluan para sa iba pa nilang dapat na gawin, bibisita sila sa apat na pu't pitong munisipalidad ng bohol. Bakit? Mbilis na paglabas at pagpasok sa kabuuan ng probinsiya.
Ayon sa pahayag ni Chief Rocha, kailangan kilalanin nila ang mga munisipalidad sa buong isla kung gusto nilang matapos ang kinakaharap na misyon sa madaling paraan, pulido at sarado. Kung paano silang makakalabas ng isla na parang mga anino sa gabi nang walang makakakita o makakapansin.
Ayon sa nakalap na mga impormasyon ng PNP Regional, malawak ang nasasakupan ng sindikato ni Gamboa sa Cebu, ngunit hindi gaano dito sa Bohol. Nahuli man daw ang grupo na Cobra X ay hindi ibig sabihin na natahimik na ito.
Sa ngayon, puro palihim at maliliit na krimen ang nagagawa ng grupong ito na mabilis namang nasasakote ng mga otoridad dahil karamihan ay maliliit na saklaan, mahjongan, tong-its at prostitusyon sa maliit na beerhouse sa iba't ibang baranggay ng iilang bayan.
"Walang kadala-dala ang gago." Naiinis na komento ni Ishmael.
Sa tulong na rin ng piling marines na ipinadala ni Col. Escalera, at sa pakikipag-kooperasyon ni Chief Rocha, nakapagpakalat sila ng mga mapagkakatiwalaang civilian police sa iba't ibang panig ng Bohol na puro trained ng grupo ni Agent Wolf.
Pumayag naman sila na ganun nga ang gawin. Kaya nga ng sinabi na may mga ipinadala na si Agent Wolf na mga tauhan para kumalap ng mga impormasyon at yun ang kikitain nila ngayon ay nakahinga ng maluwag ang magkakaibigan kahit papaano.
Lalabas na tour guide ang mga kikitain nilang tao. Magpapanggap silang mga turista, puro naman kasi mga mestisuhin silang lima at kahit moreno naman ang isang Renato Marquez, mapagkakamalan mo itong isang Portuguese. SA madaling salita, hindi sila mapagkakamalang mga Pilipino kundi mga banyaga.
"Sh!t. Back to English again." Reklamo ni Ark. "Kung kelan parang hasa na akong mag-Tagalog... Can we just pretend to be something else?" Patuloy nitong reklamo. Natawa si Ishmael.
"Siraulong ito." Turo nito sa kaibigan sabay ambang kukutusan ang binata. "Parang akala mo naman matatas na siya sa pananagalog niya kung makapagreklamo. Pitikin ko yang dila mo eh." Natawa si Leland sa sinabi ni Ishmael.
"Tinapos pa ang sentence niya sa English. Gago!" Ambang pipitikin ni Renato si Arkady. Umatras naman ng isang hakbang ang binata. Natawa si Abner at Mikael.
Tahimik namang nanood na lang si Leland. Kahit may kung anong binubuntingting si Mikael sa gadget ay tatawa-tawa rin ito.
"What the heck?" Saad ni Mikael. Nilingon ito ni Leland nang marinig ito. Nakita niya ang pangungot ng noo ng binata.
"Mike, what happened?" Tanong niya na silang dalawa lang ang nakakarinig dahil naghaharutan ang apat sa kabilang bahagi ng bangka at si Arkady ang tampulan ng harutan.
"Hindi ko maintindihan ang mga dokumentong ito." Sabi nito na ipinakita sa kanya ang laman ng gadget. "Kailangan kong puntahan ito sa mismong Provincial Assessor's office bago mahuli ang lahat." Tinititigan ni Leland ang scanned documents isa-isa, mukha ngang may hindi tama sa isa sa mga orihinal daw na dokumento.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...