⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Resting Place"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"BE THANKFUL?! HOW?!" Sigaw ni Leland matapos na kwelyuhan si Iggy, dahilan kung bakit ito umangat sa lupa at ubod lakas na sinuntok ito sa panga na siyang dahilan ng pagkakalagpak nito sa buhanginan. Nagdilim ang paningin niya dahil sa mga narinig.
"HOW DARE YOU, ASSHOLE?!" Isa pang unday suntok ang pinakawalan ni Leland, kabilang panga naman. Namilipit sa sakit si Iggy. Kandaugaga si Ysabella sa pag-awat kay Leland.
"LELAND! LET GO OF MY BROTHER!!" Sigaw ni Ysa. Napatili uli ang nang undayan uli ni Leland ng suntok, sapol ang bibig ng binatang duktor.
Nagkagulo na sa Wendy's Stage. Mabilis na nagsilapitan ang mga taong hindi naman malayo ang distansya mula sa kanila, sinubukang paghiwalayin ang dalawa ngunit napakalakas ni Leland.
Kanina pa siya gigil na gigil sa lalaki habang nag-uusap-usap ang lahat sa harapan ng mga aphan nito. Kung ano-anong asal ang ipinakita sa kanila nito kanina yun pala...
"STOP!" Atungal ni Ysa ng isa pang suntok sa sikmura ang pinakawalan ni Leland nang magpilit na bumangon si Iggy, ang siste, bagsak uli ito sa lupa.
Nagdatingan ang mga pinsan ni Iggy, kasama si Maribella. Sindak ang dalaga nang makitang namimilipit sa sakit si Iggy sa lupa.
"DAVE!" Narinig niya ang natatarantang boses ni Maribella ngunit hindi niya ito nilingon. Titig na titig ang nagbabaga niyang mga mata sa galit kay Iggy.
"Tandaan mo ito, Dr. de Santino, ngayong nasa buhay na ako ni Bella, hinding-hindi ka na makakalapit sa kanya. Kayong dalawa! Mga sakim kayo!" Pigil ang lakas ng boses ni Leland na turan.
Hindi pa siya nakontento sa mga suntok na pinakawalan, sinipa niya ito sa tiyan habang namimilipit na ito sa sakit. Gusto niyang lumpuhin ang lalaki... kung pwede lang nga, bakit hindi?
"How dare you, Dave!" Singhal ni Maribella, hinawi siya nito. "Kahit ano pa ang hidwaan naming magpipinsan, wala kang karapatang makialam!" Galit itong humarap sa kanya. Ngumisi siya ng patabingi.
"Do you even know what he did three years ago?" Malamig ang tinig na tanong niya kay Maribella. Mahina lang yun pero alam niyang dinig na dinig ito ng dalaga.
"Kahit ano pa ang ginawa niya, hindi mo sana sinuntok at sinipa." Mas malamig sa yelong nasa orange juice na hawak ni Amia ang boses ni Maribella.
"G-gracie..." Sambit ni Ysa, akmang hahawakan na sana nito si Maribella ngunit umiwas ito.
"Hindi porke't dinaluhan ko kayo ay maayos na ang lahat. Hindi ko pa nakakalimutan ang pinagdaanan ko." Patuloy nitong sabi. Mas lalong umagos ang luha ni Ysa.
"G-grace, g-ginawa ko lang k-kung ano ang a-alam kong t-tama para kay Y-ysabella." Pagpipilit na pahayag ni Iggy.
"Ano pa ang dapat nating pag-usapan? Nangyari na di ba? Ako ang sumalo para sa kanya." May hinanakit, galit at pait na sagot ni Maribella.
"You have some explaining to do to your parents, her parents and everyone else!" Gigil na sabi ni Leland. Hindi maalis ang panggigigil niya sa binatang duktor.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...