LUS 25

369 33 67
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Arrogant vs Arrogant"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"LET'S go." Pag-aya ni Leland kay Maribella hindi na kinontra pa ng dalaga.

Ilang oras na rin ang nakalipas simula ng matapos silang mag-almusal. Pinaupo lang siya ni Leland at ito na rin ang nagligpit at naghugas ng pinggan.

Napapailing siyang napapangiti at nananalangin na sana ay hindi mapansin ng binata ang pagngiti niya, ang panonood niya dito.

Paran siyang baliw, para siyang nasisiraan ng bait at para din siyang isang pervert na ngingiti-ngiti habang kung ano-ano ang tumatakbo sa utak niya.

Bubulong-bulong siyang mag-isa. Mabuti na lang at nakatagilid siyang patalikod sa binata. Kung nagkataong malapit lang siya at nakaharap pa dito, paniguradong nabuko na siya nito. Ano kaya ang iisipin ng binata na iniisip niya?

Naku! Dahan-dahan sa pagkarengkeng, Maribella Grace! Singhal niya sa sarili. Nakaramdam siya ng pagkapahiya,n ag-init ang kanyang magkabilang pisngi.

Tumayo siya at tahimik na lumabas nakasunod si Leland sa kanya. Ni-lock nito ang pinto nito at maingat siyang inalalayan pababa sa tatlong baitang na hagdan. Napapailing siyang napapangiti. Gosh! He's so caring and gentle.

Walang kibuan silang naglakad ng binata sa cobblestone patch na daanan pero magandang katahimikan, hindi nakakaasiwa, hindi nakakailang. Ang totoo niyan, napakapanatag para sa kanya ang paglalakad na kasama ito, napangiti siya.

"Bella Grace!" Mabilis siyang nagtaas ng tingin. Kasalubong nila ang Ate Ysa niya. "Where were you last night?" Tanong nitong kay Leland nakatingin. Parang kinurot ang puso niya sa nakitang tingin ng nakatatandang pinsan sa binata, nagtatanong.

"I was..." hindi natuloy ang sasabihin pa ni Maribella dahil sinalo ni Leland yun.

"She was with me." Mabilis at kalmado nitong sagot, sabay hawak sa kamay niya. Nahihindik siyang napalingon sa binata. Mapagmahal na sinalubong ng tingin ng binata ang tingin niya.

"What?" Nalilito nitong tanong. Napabaling siya pabalik dito.

"Magkasama daw silang dalawa kagabi." Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita.

"Ikaw ba ang kausap ko?!" Mataray na singhal ni Ysa sa bagong dating.

"Sinasagot ko lang. Mukhang hindi mo kasi narinig." Bahagya rin nitong pagtataray pabalik sa dalaga.

"Abe." Saway ni Leland sa kaibigan. Nalilito si Maribella sa nangyayari. Anong meron?

"Hinahanap kayo ni Tita Wendy." Sabi nitong kay Leland lang nakatingin, nagugugluhan pa rin.

"Hinahanap lang naman pala sila ni Tita Wendy." Malamyang sabi ni Abner, malamig na nakatitig kay Ysa. Nalilito pa rin siya.

"Anyare?" Simple niyang tanong. Walang sumagot.

"Let's go." Aya ni Leland sa kanya, sabay kabig sa kamay niya. Nakahawak pa rin ito sa kanya, mahigpit ngunit hindi masakit ang dating.

Senyales yun ng binata na kailangan na niyang humakbang at iwan ang dalawang nagtitigian na parang may kidlat na lalabas sa mga mata nito.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon