LUS 49

207 30 18
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️







🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Pirma"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







"LISTEN up!" Malakas na pagkakasabi ni D'angelo sa earpiece assemble niya. "Did anybody called Scott yet?" Tanong niya. Kapag ang mga ito ang kasama niya napapa-english siya. Napapailing na lang tuloy siya.

"Not yet. They might have just arrived in Tagbilaran. We'll do it in five minutes." Sagot ni Renato.

"Okay." Sagot niya. "Guys listen up. Importanteng marinig n'yo ito and please remember everything I'll say and be discreet about this. Nothing comes out even after this whole drama is over." Pagkuha niya ng atensyon ng lahat.

"Go for it." Si Ishmael lang ang sumagot.

"I am inside the island's underground tunnel. Entrance is by the pontoon. If any of you get into a pinch, tandaan n'yo ang pwede n'yong matakbuhan at mapagtaguan. Labasan o entrada ng mga underground tunnels sa islang ito ay itong katabi ng storage unit dito na pinaglalagyan ng mga empty gas tanks at engine oil. Itulak n'yo nang may kalakasan ang bato, bubuka ang lupa, sliding to the side. Ingat lang." Panimula niya. Tahimik lang ang lahat maliban sa manaka-nakang pagtikhim at paghinga ng malalim at mabilis ng mga nakikinig sa kanya.

"Ang pangalawa ay nasa likod ng villa ni Gracie. May tatlong nakakalat na bato doon. Yung batong halos nakadikit sa haligi ng villa niya, yun ang itutulak n'yo. Mag-ingat lang at medyo matagal nang hindi yun nagagamit kaya mas mabuting tumayo sa kaliwa nito kung nakaharap kayo sa mismong dingding ng villa." Tahimik pa rin ang mga ito. Alam niyang nakikinig lang ang lahat.

"Pangatlo. Yung cottage na bahagyang nakahiwalay sa lahat, yung palaging pinagmimitingan natin, medyo napapaligiran ng makapal na tanim at malalaking bato, yun may artificial na puno ng niyog na nagsisilbing antenna ng isla, may pinto doon na ginagamit para sa emergency shutoff ng signal. Walang may nakikialam nun dahil antenna booster nga ito kaya maingat ang mga tagarito na lapitan yun. Takot lang nila kay Tito Luigi." Nakangiti pa siya na para bang nakikita ng mga kaibigan niya yun.

"Anyway, may dalawang iron lever sa loob ng parang fuse box panel, isang maliit at isang malaki. Once you open the little flap, yung maliit sa pinakaloob ang hilain n'yo. Konting lakas ng hila at bubukas din ang lupa sa pagitan ng mga tanim at mga bato." Patuloy lang siya sa pagbibigay-alam sa mga kasama.

"Pang-apat. Sino sa inyo ang nakakaalala sa lugar kung saan dinala si Ysa at Sage noong dinukot sila ng tatlong pangit?" Tanong niya. Nakarinig siya ng konting tawanan sa kabilang linya.

"Ako." Napangiti siya dahil halos lahat naman ay sumagot.

"Not us." Sagot ng isang boses ng babae.

"Kami ni Fiona, wala pa kami dito." Sagot nito, napangiti siya.

"Good. For Sarah, can somebody show them where it's at later." Wala na siyang oras na ipakita pa sa dalawang babae ang bahaging yun. "Thirty steps from that location to the left, if facing in land, at nasa kanan naman kung nakaharap sa dagat. May isang bato doon na may nakaukit na pangalan ni Lolo Jose at Lola Susana na nakapaloob ng isang puso. Yeah, I know, hopeless romantic ang Lolo namin. Push or pull that rock, whichever you prefer, but be careful not to fall in. Hindi pababa at hindi rin ito pa-slide ang pagbukas ito. Bubukas ito mula sa gitna at malalaglag ang trap door pababa, kaya utang na loob, mag-iingat kayo." Pahayag niya kasama na ang pagpapaalala.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon