⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Wake Up"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"LOVE..." Malambing ngunit tahimik niyang sambit nang mabungaran niya ang wala pa ring malay na si Leland.
"Iwan na muna kita." Bulong naman ni Iggy sa kanya, tumango lang siyang hindi ito nililingon dahil na kay Leland na ang buo niyang atensyon.
Hinila niya ang upuan na nasa gilid ng pinto at inilipat sa tabi ng kama nito at doon umupo. Ginagap niya ang kamay ni Leland. Nagulat pa siya dahil malamig ito.
Tsaka pa lang niya naramdaman ang lamig ng kwarto. Tumayo siya at hinanap ang thermostat.
"Pasensya na, Miss. Kanina ko pa rin hinahanap ang thermostat parang nilalamig kasi si Tatay." Sabi ng may kaedarang babae. Bahagya siyang nagulat ngunit hindi naman nagpahalata.
"Ganun po ba?" Nagpalinga-linga siya. May anim na higaan dito sa recovery room, dalawa ang okupado. Masyadong malamig ang kwartong ito para sa apat na taong naririto ngayon.
Hinugot ang cellphone na nasa back pocket ng pantalon niya at may numerong dinayal. Mabilis namang singot ito ng tinawagan.
"Kuya Iggy, nasaan ang thermostat ng kwartong ito?" Tanong niya sa pinsan.
"Nasa nurses station." Maikli naman nitong sagot.
"Paki pababago nga sa kanila ang temperature dito. Hindi mamatay sa sakit ang dalawang pasyenteng naririto kundi sa lamig." Mataray niyang sabi sa pinsan. "Kay Dave ay ayos lang pero dito sa isang pasyente ay hindi, matanda na ito at mahina pa ang resistensya nito. Tsaka paki padalhan nga din ng ekstrang kumot dito. Ke ninipis ng mga pinagagamit nila sa pasyente tapos ang lakas ng aircon. Sa morgue na lang sana dinala ang mga ito kung balak nilang i-freeze ang mga ito!" Mainit talaga ang ulo niya. Simula nang kinausap sila nung isang nurse kanina, na-trigger na at nagtuloy-tuloy nga.
"Grace..." Pagputol niya sa sasabihin ng pinsan, ayaw niyang marinig kung ano man yun.
"Ikaw ang pupunta at kakausap sa kanila o ako ang kakausap? Siguradong hindi n'yo magugustuhan ni Tito Jake ang gagawin ko!" Hindi lang niya pinutol ang pagsasalita ni Iggy, tinarayan niya itong lalo at pinatayan pa ng tawag.
"M-miss, pasensya na at nagreklamo ako." Parang nahihiya pa ang babaeng kaharap. Para din siyang nahiya sa inasal sa harap nito.
"Okay lang po yun, Ate. Dapat nga po kanina n'yo pa sinabi para naitaas nila ng bahagya ang temperatura dito para hindi ganitong para tayong nasa loob ng freezer." Sabi niya at tumalikod na para bumalik sa tabi ni Leland. Isinara niya ang kurtinang nakasabit na nagbibigay ng konting privacy sa mga pasyenteng nagre-recover bago mailipat sa mga kwarto o ward na napili.
"Ate, kayo po ba ang tumawag para sa aircon?" Narinig niyang tanong ng bagong dating, mataray, mukhang inis. "Sa susunod po, kayo po ang pumunta sa nurse station o di kaya ay gamitin n'yo po ang buton na yan para tumawag ng nurse. Hindi yung magpapautos kayo, eh duktor pa ang uutusan n'yo." Paangil na sabi nito. Naghintay siya sandali bago sumilip. Nakita niyang nakayuko lang ang anak ng pasyente.
"Libre na nga ang paopera ng Tatay n'yo kaya wag po kayong masyadong demanding." Nagpanting ang tenga ni Maribella sa idinugtong ng nurse. Pamilyar ang boses nito, kaya nilabas na niya.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...