LUS 78

305 31 32
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Bukas"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍








"GRACIE!" Narinig niyang tawag ng kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto niya. Nasa malaking bahay siya simula nang bumalik sila galing Cebu.

Maraming tao sa isla ngayon dahil lahat ng pamilya nila; ang pamilya niya at ang pamilya ni Leland, na ikinalula niya sa dami dahil parang mas marami pa sa kanila, ay naririto sa isla.

"Sino yan?" Tanong niya habang bumabangon. Nabigla pa siya ng parang napakahangin naman gayung nakasara naman ng bahagya ang mga bintana.

Muntik siyang mapamura nang mapagtanto niyang nakahubad pala siya.

"Leland David Scott!!!" Sigaw niya, mahina lang naman, at nagmamadaling hinila ang kumot at ibinalot sa sarili.

"What?" Tanong nitong pupungas-pungas pa dahil kagigising din lang. Nilingon niya ito at tinapunan ng nakamamatay ng tingin. Tumawa lang ito, tumayo at nilapitan siya. Hinalikan siya nito labi sabay kurot sa naninindig niyang utong.

"Bastos na lalaki!!" Tili niya. Tumawa lang itong umiwas sa hampas niya.

Kinuha ni Leland ang t-shirt na nakasampay sa maliit na upuan ng kanyang vanity mirror, brief na nakasiksik sa ilalim ng unan at pantalon na nakahandusay sa sahig. isa-isa nitong isinuot ang bawat piraso ng damit na parang walang nangyari.

Tsaka pa lang niya napagtantong pareho silang nakahubad. Napasapo siya ng noo at napailing. Tinalikura na niya ito at tahimik na kumuha ng bagong damit mula sa kanyang closet at nagbihis. Hindi niya isusuot ang damit na hinubad ni Leland kagabi.

Napansin niyang naging tahimik ns rin si Leland. Hindi niya alam ang ginagawa nito at wala siyang pakialam, galit siya dito dahil pinuyat na naman siya ng asawa. Nabubwisit siya dito dahil ang daming kalaswaang alam sa buhay. Nakatulugan niya tuloy ang sobrang pagod at antok na walang damit magdamag. Magdamag nga ba? Natigilan siya sa itinakbo ng isip.

Maya-maya ay ipinilig ang ulo at itunuloy na lang ang pagsusuklay ng buhok nang muli niyang marinig ang katok sa labas ng pinto niya.

"Ate Gracie!!" Kalampag ng kung sinong hindi makapaghintay sa pinto niya.

Tsaka pa lang niya naalala na may tao nga palang naghihintay sa labas ng kwarto niya at nagtititili pa siya kanina. Madiin siyang napapikit sa maaaring kahihiyan na sasalubong sa kanya sa labas.

"Sino yan?" Malumanay niyang tanong, pilit na kinakalma ang sarili.

"Ate Gracie, si Ruru po ito. Pinatatawag na po kayo ni Lola at Tita Wendy para makapaligo na daw po kayo, makakain at maayusan." Pakilala at pahayag ng pinsan sa labas ng pinto. Napakunot ang noo niya sa huling narinig.

"Ayusan?" Tanong niyang walang pinatutukuyan.

Maingat niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang matamis na ngiti ng bunsong kapatid ni Mayette na si Maria Rosa na kung tawagin nila ay Ruru o Maru, depende kung sino sa kanila ang kaharap nito.

"Bakit ako aayusan?" Una niyang tanong dito ngunit nagkibit ito ng balikat. Nainis siya.

"Ewan ko po, Ate, si Tita Wendy na lang po ang tanungin n'yo." Mabilis nitong sagot bago kumagat sa dalang tinapay. Napailing siya at nangingiti. Pagdating talaga sa pagkain kontentong-kontento ang pinsan.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon