⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Bombing"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
MAAGA pa lang ay nagising na si Leland. Inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Hospital again? Damn! Takbo ng isip niya sabay buntong-hinga.
Ilang beses pa siyang mao-ospital sa tuwing natatapos ang misyon nila bago siya tumigil? At nitong mga nakaraang taon ay napapadalas na.
"I'm getting old for this shit!" Usal niyang hinihimas ang bendahe.
Ang mga sundalo talaga, napakahilig magmura. Maging ito man ay sa isip lang o pagkausap sa sarili ay nagmumura talaga. Napangiwi siya, bahagyang pumitik ang sakit sa gilid ng ulo niya.
Muling ipinikit ni Leland ang mga mata at pilit na inaalala ang dahilan kung bakit hospital na naman ang kinabagsakan niya.
Mas madiin siyang napapikit dahil sa mainit at masakit na sensayong gumuhit sa kanyang ulo kasunod ay mga eksenang hindi niya maintindihan pa.
"DAVE!" Sigaw na nagmula sa likuran niya. Natranta ang kanyang isipan kayang isipan kaya hindi na siya nakapag-isip ng maayos.
"Mi Bella!" Naalala niyang sigaw. "Sarah! Help Fiona!" Sa kauna-unahang pagkakataon uli sa buhay sundalo niya, ngayong lang nahati sa kung ano ang una niyang dapat na gawin. Namayani ang kanyang pagmamahal at pag-aalala kay Maribella, bago ang kaligtasan ng lahat... ng kaligtasan niya.
Mabilis siyang tumakbo palapit kay Maribella. Kita niya ang takot sa mga mata nito kaya natakot din siya. Isa lang ang naisip niya, panic attack. Hindi sa kanya kundi sa dalaga. Hindi pwedeng atakihin ito ngayon dito. Pwedeng bukas, hinding-hindi ngayon.
Sumakit ang ulo niya sa pagpipilit na maalala ang nangyari. Napabiling ang kanyang ulo sa kaliwa at pakanan, Mas madiin siyang napapikit, masakit pa rin.
Mahigpit siyang kumapit sa kany ang kumot at malumanay na huminga. Ilang beses niya ring yng ginawa bago humupa ang pagkirot nito at panatag na hinayaan ang sariling nakahiga.
Naalala niyang hindi siya nagdalawang-isip na magtanggal ng kanyang gear at inihagis lang ito sa kung saan bago tumakbo palapit kay Maribella.
"Damn, Scott!" Nasambit niya. Yun yata ang pinaka malaking pagkakamali na nagawa niya sa buong buhay niya, sundalo man o hindi. "You are stupid and you are stupidly careless." Pagkausap niya sa sarili.
"DAVE!" Naalala niyang bahagya siyang natigilan at nilingon ang tumatawag sa kanya.
Siya namang pagkakita ni Leland nang kinuha ni Clifford ang baril ni Arkady mula sa holster nito at ubod lakas itong itinulak. Nakita din niyang natumba si Arkady at kahit na mabilis ang kilos nitong tumayo ay huli na. Nasa kamay na ni Gamboa ang gloc ni Arkady.
Mula sa gilid ng kanyang paningin, ganun din ang ginawa ni Imelda. Hilo-hilo man ay nakita niyang malakas pa rin ang babae. Inagaw nito ang nakasukbit na gloc sa tagiliran ni Sarah at itinulak ito habang abala ito kay Fiona, kaya parehong napasubsob ang dalawang babae sa buhanginan.
Akmang babalik siya sa lugar ng mga kaibigan ng sabay na iniumang ng magkapatid na Gamboa ang baril sa direksyon nila ni Maribella, kinabahan siya. Takot ang tamang maging deskripyon sa kanyang nararamdaman ng mga oras na yun.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Lãng mạn⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...