⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Mail Order Bride"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
MATAPOS ang mahabang pakikipagtalo kay Brynn, sa wakas ay pumagitna ang ina at ama. Maging si Aldrin na asawa nit oay nakialam na rin.
"That's enough, Athena Brynn!" Tumaas na ang boses ni Brielle. Tumahimik naman si Brynn kaagad kahti na alam ng lahat ng labag yun sa kagustuhan nito. Alam din ni leland na takot ang kapatid sa ina at may respeto din ito kahit na bratt ang nakatatandang kapatid.
"Brynn, magpasalamat ka, mahal at nirerespeto ka ng mga kapatid mo dahil kung hindi, matagal ka nang nasapak ng isa sa kanila. You cannot act like that when he is on his missions. Ano ba ang nasa utak mo, ha? Everything has to revolve around you? Maghunos-dili ka nga. Matanda ka na, may asawa at anak ka pa. And look at you, you are pregnant again, what the hell, Athena Brynn?!" Galit na litanya ng Mommy nila. Tahimik lang siya, silang lahat, maging ang Daddy nila.
Ayaw niyang nasisigawan o napapagalitan ng Mommy nila ang Ate Brynn nila, hindi dahil sa unang prinsesa ito ng mga Scott, kundi dahil ayaw niyang nagagalit ang Mommy nila, masakit para sa puso niya na makitang galit ito.
Mahal nila ang Mommy nila. Kung pwede nga lang na hindi ito nag-aalala o nai-stress ay gagawin nila, kailangan lang masaya ito palagi at magaan ang para lahat sa Mommy niya. Yun bang hindi ito mamumroblema.
Tumayo siyang walang kibo, diretso sa kwarto niya sa ikalawang palapag. Kinuha ang wallet, cellphone, bagong jacket at lumabas ng bahay. Babalik siya ng Cebu ngayong gabi.
"Sir, do we have a flight to Cebu tonight?" Tanong niya sa kausap matapos itong tawagan habang nagmamaneho papuntang Camp Crame.
"If you get here in 10, there will be." Simpleng sagot ng kausap.
"Be there in 5." Sagot naman niya at nagpatay na ng tawag at tinawagan si Sage.
"My love, I'm sorry to break my promise to you. Ask your Kuya Brain to take you tomorrow. I left my black card on your desk." Sabi niya dito.
"No worries, Kuya Muscle. I'll wait to go shopping when you get back." Sabi nito. "Be careful. I love you." Dugtong pa nito at nagpatay na ng tawag. Walang bahid ng tampo ang boses nito.
"Mabuti ka pa." Ang t angi niyang nasabi. Tahimik na tinahak ni Leland ang kahabaan ng Edsa patungo sa Crame. Walang gaanong sasakyang nagkalat, surprisingly.
Ilang sandali lang ay nasa hangar na siya. Bahagya pa siyang nagulat dahil hindi eroplano ang naghihintay sa kanya kundi isang PNP chopper. Sumaludo siya sa nakitang piloto at walang sali-salitang sumakay. Maya-maya lang lumilipad na sila.
Ala-una na ng madaling araw nang makarating sila ng Cebu. ibinaba siya ng chopper pilot sa rooftop ng hospital kung saan dinala ang dalagang iniligtas.
"Miss, Bella de Santino's room, please." Nginitian niya ang nurse na napagtanungan. Ngumiti din ito sa kanya. Mukha yatang kinilig ito sa ngiti niya. Napangiti siyang lalo na naiiling.
Bago pa makapagsalita ang nurse ay ipinakita na niya ang kanyang ID. Tumango ito at isinulat sa papel ang room ng dalaga. Bahagya siyang yumukod dito bilang tahimik na pasasalamat.
Sa harap ng kwarto nito, bahagya itong nakabukas, lumapit siya. Bago pa man ay nagulat pa siya nang lumabas mula sa loob ang dating kaklase at kaibigan na si D'angelo Garcia, pinsan ni Robby de Santino. Pamilya nito ang kumontak sa kanilang headquarter.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romansa⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...