LUS 10

270 37 21
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Be Prepared"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







"CAPT. SCOTT?" Tawag ng boses babae mula sa likuran nila. Mabilis nila itong nilingon.

"I'm Capt. Scott, how may I help you." Kahit bahagya siyang natulala sa ganda ng babaeng halos kaedad ng Mommy niya, napilit niya pa ring magsalita ng maayos at kalmado. Namukhaan niya ang babae... No, kilala niya ang babae.

"Hello. Nice to see you again, Capt. Scott." Napahugot siya ng malalim na paghinga at napayuko na para bang nahuli siyang gumagawa ng mali.

Simula pa ng mabasa niya ang email ni Col. Escalera, malakas na ang kutob niya na magkukrus muli ang landas nila ng dalagang sinagip tatlong taon na ang nakaraan, bagay na ikinatatakot niya. Bakit? Hindi niya alam.

Hindi kumon na apelyido ang de Santino kaya madali lang matukoy kung sino ang tinutukoy ng email, ngunit mas gusto niyang magpatay-mali. Mas gusto niyang ipaling ang ulo sa kabila at kalimutan na lang na minsan may mission silang hinding-hindi niya makakalimutan.

"Hello, Mrs. de Santino." Magaan niyang bati sa ginang. Nagkatinginan ang lima, ngumiti ng lihim.

"Oh hey, Capt. Scott." Bati naman na lalaking bagong dating sabay akbay sa ginang. Bahagya niya lang ipinaling ang ulo para magpantay ang tingin nila ng lalaki. Inilahad niya ang kamay dito.

"Hello, Mr. de Santino." Bati niya dito. Ngumiti ito at inilibot ang mga mata sa kanilang anim.

"It's been a long time." Bati nito sa kanya, ngumiti siya ng bahagya. "You are our guest here, so why don't we cut the pleasantries, okay. Call me, Tito Greg or Tito Richard. " Malugod nitong tinanggap ang kamay niya at matagal pang binitawan habang todo ngiti ito sa kanila. Naramdaman din ni Leland ang init ng palad nito, init ng pagmamahal mula sa palad ng isang ama. Alam niya kasi ganito din ang Daddy niya.

"Tito Greg it is." Halos sabay nilang sagot na anim.

"This is your Tita Wendy." Pakilala nito sa asawa.

"Hi, Tita Wendy." Sabay-sabay na bati ng lima na may pakaway-kaway pang nalalaman.

"Hello boys." Bati naman nito sa kanila, nakangiti din.

Napalunok si Leland ng ngumiti ito sa kanila ng pagkatamis-tamis. Iisang mukha ang dumaan at nagtigil sa kanyang balintataw... Maribella de Santino.

"Hi, Tita Wendy, Tito Greg." Halos hindi pa lumabas sa lalamunan ni Leland ang pangalan ng mag-asawa dahil naunahan ito ng Tito at Tita at hindi Mr. and Mrs.

"I'm glad Robby gave you three of the family villas. Mabuti na rin yun para magawa n'yo ang mga plano n'yo dahil walang may manggugulo dito sa inyo." Turan ni Richard de Santino.

"Kauuwi lang ng pamilya namin sa kani-kanilang probinsya kaya bakante ang mga private villas na ito." Turan naman ni Wendy.

"Ayos lang po Tita. Kahit naman saan kami ay ayos lang." Sagot ni Ishmael. "Ako nga po pala si Lt. Ishmael Gomez." Pagpapakilala nito.

"Hello." Bati ni Wendy. "Kasama rin ba kayo noon?" Tanong nito. Alam ng mga kaibigan kung ano ang tinutukoy ng ginang.

"Opo." Patango-tango na sagot ni Ishmael. Ngumiti ang ginang. Parang hinaplos ang puso ni Leland.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon